Si Muhammad (محمد) ang nagtatag ng Islam at tinuturing ng mga Muslim bilang isang sugo(messenger) at propeta ng Diyos ( الله Allah) at ang huling tagapagdala ng batas sa magkakasunod na mga propetang Islamiko. Dahil dito, si Muhammad ay itinuturing ng mga Muslim na tagapagpanumbalik ng hindi nalikong(uncorrupted) orihinal na monteistikong pananampalataya (islām) ni Adan, Noe, Abraham, Moises, Hesus at iba pang mga propeta.[2] [3] Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa siyudad ng Arabia na Mecca. Siya ay naulila sa batang edad at pinalaki ng kanyang tiyuhing si Abu Talib. Siya ay kalaunang nagtrabaho bilang isang mangangalakal gayundin din bilang isang pastol at unang nakapag-asawa sa edad na 25. Sa pagiging hindi masaya sa kanyang buhay, siya ay tumungo sa isang kweba sa mga paligid na kabundukan upang magnilay nilay. Ayon sa mga paniniwalang Islamiko, dito sa lugar na ito sa edad na 40 sa buwan ng Ramadan nang kanyang matanggap ang unang pahayag mula sa diyos. Pagkatapos ng tatlong taon pagkatapos ng pangyayaring ito, kanyang sinimulang ipangaral ng publiko ang mga pahayag na ito na naghayayag na "ang diyos ay isa", ang kumpletong pagsuko dito(islam) ang tanging paraang katanggap tanggap sa diyos at siya ay isang propeta at sugo ng diyos tulad ng ibang mga propetang Islamiko. Siya ay nagkamit ng ilang mga tagasunod sa simula ngunit nakatagpo ng pagsalungat mula sa ilang mga tribo sa Mecca. Upang makatakas sa pag-uusig, si Muhammad ay nagpadala ng ilang mga tagasunod nito sa Abyssinia bago siya at ang kanyang mga natitirang tagasunod sa Mecca ay lumipat sa Medina(na kilala sa panahong ito bilang Yathrib) noong taong 622 CE. Ang pangyayaring ito na tinatawag na Hijra ang naghudyat ng pasimula ng kalendaryong Islamiko na kilala rin bilang Kalendaryong Hijri. Sa Medina, pinag-isa ni Muhammad ang mga tribo sa ilalim ng konstitusyon ng Medina. Pagkatapos ng walong taon ng pakikidigma sa mga tribo sa Mecca, ang kanyang mga tagasunod na lumago na sa panahong ito sa mga 10,000 ay sumakop sa Mecca. Winasak ni Muhammad ang mga simbolo ng paganismo sa Mecca at ipinadala ang kanyang mga tagasunod upang wasakin ang lahat mga natitirang templong pagano sa buong Silanganing Arabia. Noong 632 CE, mga ilang buwan pagkatapos ng pagbalik nito sa Medina mula sa kanyang Pilgrimaheng Pagpapaalam, si Muhammad ay nagkasakit at namatay. Sa panahon ng kanyang katamayan, ang karamihan sa Arabian Peninsula ay naakay sa Islam at kanyang napag-isa ang mga tribo ng Arabia sa isang relihiyosong Muslim na politiya. Ang mga pahayag(o Ayah) na literal na nangangahulugang "mga tanda [ng diyos]" na iniulat ni Muhammad na kanyang natanggap hanggang sa kanyang kamatayan ay bumubuo ng mga bersikulo o talata ng Qur'an at itinuturing ng mga Muslim bilang "salita ng diyos" at batayan ng relihiyong Islam. Bukod sa Qur'an, ang buhay ni Muhammad at mga tradisyon(sunnah) ay pinanghahawakan din ng mga Muslim. Ang kanyang mga ginawa ay binatikos ng kanyang mga tagasunod at kalaban sa loob ng mga siglo.
Answers & Comments
Answer:

hope it helps
pa brainliest po