ANG East Timor, o Timor-Leste, ay isang maliit na bansa sa silangang bahagi ng isla ng Timor. Ang salitang Malay na pinagkunan ng salitang “Timor” at ang salitang Portuges na Leste ay parehong nangangahulugang “silangan.” East Timor ang karaniwang tawag ng mga nagsasalita ng Ingles sa bansang ito. Angkop ang pangalang ito sapagkat ang isla ay nasa silanganing hangganan ng arkipelago ng Indonesia.
Mga 14,800 kilometro kuwadrado ang lawak ng East Timor, kaya mas malaki ito nang kaunti sa estado ng Connecticut, E.U.A., o wala pa sa kalahati ng Netherlands. Bagaman maliit lamang ang islang ito, ang katangian ng likas na kapaligiran nito ay kombinasyon niyaong sa Asia at Australia. Ang isla ay may makapal na tropikal na kagubatan at tigang na mga damuhan at taniman ng eukalipto. Ang buhay-iláng ay kombinasyon din ng mga uri na makikita sa Australia at Asia. Halimbawa, makikita mo roon ang mga marsupial at mga ibon ng Australia at ang mga unggoy at tropikal na mga saltwater crocodile ng Asia.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: