Sa nagdaang tatlong taon, sumailalim ang Pilipinas sa isang pagbabagong radikal: Mula sa pagkakaroon ng isang pamahalaang nagtatag ng mga gawaing tigib ng korupsiyon, patungo sa isang pamahalaan na nagkakaloob ng mga serbisyo publiko na nakabatay sa mga prinsipyo ng pagiging bukás, pagkakaroon ng pananagutan at integridad; mula sa pagiging tahanan ng mga nananawagan sa pagbabago, tungo sa pangangalaga sa isang bansang binigyang-kapangyarihan at aktibong kumikilos nang sama-sama para sa mas malaking pagkakataon para sa sama-samang pag-unlad.
Ang nananatiling batayan ng pagbabagong ito bílang pilosopiyang nagpapagana sa adyendang panreporma ng administrasyong Aquino: Kung kaya nating alisin ang kultura ng korupsiyon sa bansa, mapapagaan natin ang kahirapan at sama-sama tayong makasusulong tungo sa isang Pilipinas na may kaunlarang pantay-pantay.
Upang maipagpatúloy ang momentum ng bansa, patuloy ang administrasyong Aquino sa pagpapahusay ng mabuting pamamahalang itinatag nito, na nagsasangkot sa pagpapalakas ng mga mekanismong kinakailangan para sa mabilis at epektibong pagpapahatid ng mga serbisyo sa mga Pilipino. Nagsagawa ng reporma ang pamahalaan sa mga proseso nito ng paggastos at pagbabadyet upang maisulong ang kapakinabangan at mabawasan ang pagkakataon para sa korupsiyon upang maiwasan ang pagsasayáng ng bilyong piso mula sa perang nalilikom mula sa buwis. Dahil dito, naipapadalá ng pambansang pamahalaan ang mga pondo sa mga pinakaagarang pangangailangan ng bayan—patungo sa mga programa na may malawakang pamumuhunan sa mga serbisyong bayan, kalusugan, at edukasyon, upang mapabuti at mapalakas ang ating pantáong kapital, na manghihikayat naman ng malawakan at pantay-pantay na paglago.
Nagbubunga na ang mga reporma. Noong 2012, nagtalâ ang Pilipinas ng isa sa pinakamalakas nitong taon ng pag-unlad, nilampasan ang lahat ng inaasahan; nagtalâ ang GDP sa unang tatlong buwan ng 2013 ng 7.8% na nagpataas pa sa pamantayan ng mga bansa at lumampas kahit sa takbo ng ating pag-unlad. Inilagay ang Pilipinas ng mga pangunahing ahensiya ng mga rating sa pautang sa antas ng pamumuhunan, samantalang tinataya nila ang patuloy na pagbuti ng lagay ng ating ekonomiya sa hinaharap. At ang mga nakamit na ito ng mabuting pamamahala ay naisasalin sa pagpapabuti ng uri ng pamumuhay ng lahat ng Pilipino, lalo pa ang mahihirap at walang kapangyarihan. Patuloy na tumatanggap ng pinakamalaking bahagdan ng pambansang badyet ang mga serbisyo publiko, at nasa ubod ng ating layuning bawasan ang kahirapan ang mga programa para sa interbensiyon at proteksiyong panlipunan.
Lahat ng mga pagbabagong ito ay naitatag nitong nagdaang tatlong taon, at lahat ng ating nakamit mula sa mga ito ay bumubuo pa lámang sa mga pundasyon. Ang mga bunga ng mabuting pamamahala at tuloy-tuloy na pamumuhunan para sa kapakanan ng ating mga mamamayan ay nakasalalay sa momentum ng Pilipinas hanggang sa lampas sa pagtatapos ng pamumuno ni Pangulong Aquino ngayong darating na 2016.
Explanation:
1 votes Thanks 0
james3211
Nang bumuhos ang mga tao sa Ayala nang ilipat ang mga labi ni dating Pangulong Aquino mula La Salle Greenhills patungong Manila Cathedral, magkahalong saya at inggit ang pumuno sa akin: saya dahil sa dami ng taong nakikiramay at nagkakaisa; na nakakapukaw ng marubdob na damdaming makabayan at pag-asa; at inggit, sa kakayanan ni cory, buhay man o patay, na manawagan at pakilusin ang mga mamamayan- mayaman man o mahirap, at pagkaisahin sa isang landas.
Bilang isang maka-kaliwa na laging umaasam ng maraming taong kikilos nang bigkis tungo sa pagpapalaya, at batid ang hirap, gastos, pagpaplano, walang katapusang pulong upang magpakilos- na hindi umaabot sa ganyang proporsyon- nasabi ko sa aking sariling, “may ginagawang tama ang taong (Cory) ito kung bakit siya nakakapagbigay ng inspirasyon sa ganito karaming pilipino na hindi natin nagagawa o naibibigay o hindi nakikita sa atin (kilusang kaliwa) ng mga mamamayan“.
Kontribusyon ko ito sa di mabilang na pagninilay sa buhay at kamatayan ni Cory Aquino at bahagi na rin ng ating tuluy-tuloy na pagpuna sa sarili at sa kapwa lalo na sa kilusang kaliwa. Sa ganitong diwa o adhika nais kong ibahagi ang sulating ito.
I Si Tita Cory na Mahal ko.
A. Si Cory-ang mabuting pulitiko
Pagkatapos ng dayaan sa snap elections, nagyaya ng rally si Cory. Sabi ko, sige, ihahanda ko. Sa Plaza Miranda. Bakit dun-tanong niya.” Sa Luneta!”. Sabi ko, “kakalog tayo dun. Baka kaunti lang pumunta. Sabi niya “Bayaan mo. Kung walang pumunta, ibig sabihin, hindi sila naniniwala sa atin. At pwede na tayong tumigil.” At ang sumunod ay bahagi na ng kasaysayan: ang tagumpay ng bayan na nangyari sa Luneta na kung saan halos 2 milyon ang dumating. -Jose Peping Cojuangco
Kapag umaalis siya papuntang ibang bansa noong presidente pa siya, isa lang sa amin ang isinasama niya, at sa bulsa niya kinukuha ang pambayad sa aming pamasahe, hindi sa kaban ng bayan. Pinky Aquino-Abelleda
Answers & Comments
Answer:
Sa nagdaang tatlong taon, sumailalim ang Pilipinas sa isang pagbabagong radikal: Mula sa pagkakaroon ng isang pamahalaang nagtatag ng mga gawaing tigib ng korupsiyon, patungo sa isang pamahalaan na nagkakaloob ng mga serbisyo publiko na nakabatay sa mga prinsipyo ng pagiging bukás, pagkakaroon ng pananagutan at integridad; mula sa pagiging tahanan ng mga nananawagan sa pagbabago, tungo sa pangangalaga sa isang bansang binigyang-kapangyarihan at aktibong kumikilos nang sama-sama para sa mas malaking pagkakataon para sa sama-samang pag-unlad.
Ang nananatiling batayan ng pagbabagong ito bílang pilosopiyang nagpapagana sa adyendang panreporma ng administrasyong Aquino: Kung kaya nating alisin ang kultura ng korupsiyon sa bansa, mapapagaan natin ang kahirapan at sama-sama tayong makasusulong tungo sa isang Pilipinas na may kaunlarang pantay-pantay.
Upang maipagpatúloy ang momentum ng bansa, patuloy ang administrasyong Aquino sa pagpapahusay ng mabuting pamamahalang itinatag nito, na nagsasangkot sa pagpapalakas ng mga mekanismong kinakailangan para sa mabilis at epektibong pagpapahatid ng mga serbisyo sa mga Pilipino. Nagsagawa ng reporma ang pamahalaan sa mga proseso nito ng paggastos at pagbabadyet upang maisulong ang kapakinabangan at mabawasan ang pagkakataon para sa korupsiyon upang maiwasan ang pagsasayáng ng bilyong piso mula sa perang nalilikom mula sa buwis. Dahil dito, naipapadalá ng pambansang pamahalaan ang mga pondo sa mga pinakaagarang pangangailangan ng bayan—patungo sa mga programa na may malawakang pamumuhunan sa mga serbisyong bayan, kalusugan, at edukasyon, upang mapabuti at mapalakas ang ating pantáong kapital, na manghihikayat naman ng malawakan at pantay-pantay na paglago.
Nagbubunga na ang mga reporma. Noong 2012, nagtalâ ang Pilipinas ng isa sa pinakamalakas nitong taon ng pag-unlad, nilampasan ang lahat ng inaasahan; nagtalâ ang GDP sa unang tatlong buwan ng 2013 ng 7.8% na nagpataas pa sa pamantayan ng mga bansa at lumampas kahit sa takbo ng ating pag-unlad. Inilagay ang Pilipinas ng mga pangunahing ahensiya ng mga rating sa pautang sa antas ng pamumuhunan, samantalang tinataya nila ang patuloy na pagbuti ng lagay ng ating ekonomiya sa hinaharap. At ang mga nakamit na ito ng mabuting pamamahala ay naisasalin sa pagpapabuti ng uri ng pamumuhay ng lahat ng Pilipino, lalo pa ang mahihirap at walang kapangyarihan. Patuloy na tumatanggap ng pinakamalaking bahagdan ng pambansang badyet ang mga serbisyo publiko, at nasa ubod ng ating layuning bawasan ang kahirapan ang mga programa para sa interbensiyon at proteksiyong panlipunan.
Lahat ng mga pagbabagong ito ay naitatag nitong nagdaang tatlong taon, at lahat ng ating nakamit mula sa mga ito ay bumubuo pa lámang sa mga pundasyon. Ang mga bunga ng mabuting pamamahala at tuloy-tuloy na pamumuhunan para sa kapakanan ng ating mga mamamayan ay nakasalalay sa momentum ng Pilipinas hanggang sa lampas sa pagtatapos ng pamumuno ni Pangulong Aquino ngayong darating na 2016.
Explanation:
Bilang isang maka-kaliwa na laging umaasam ng maraming taong kikilos nang bigkis tungo sa pagpapalaya, at batid ang hirap, gastos, pagpaplano, walang katapusang pulong upang magpakilos- na hindi umaabot sa ganyang proporsyon- nasabi ko sa aking sariling, “may ginagawang tama ang taong (Cory) ito kung bakit siya nakakapagbigay ng inspirasyon sa ganito karaming pilipino na hindi natin nagagawa o naibibigay o hindi nakikita sa atin (kilusang kaliwa) ng mga mamamayan“.
Kontribusyon ko ito sa di mabilang na pagninilay sa buhay at kamatayan ni Cory Aquino at bahagi na rin ng ating tuluy-tuloy na pagpuna sa sarili at sa kapwa lalo na sa kilusang kaliwa. Sa ganitong diwa o adhika nais kong ibahagi ang sulating ito.
I Si Tita Cory na Mahal ko.
A. Si Cory-ang mabuting pulitiko
Pagkatapos ng dayaan sa snap elections, nagyaya ng rally si Cory. Sabi ko, sige, ihahanda ko. Sa Plaza Miranda. Bakit dun-tanong niya.” Sa Luneta!”. Sabi ko, “kakalog tayo dun. Baka kaunti lang pumunta. Sabi niya “Bayaan mo. Kung walang pumunta, ibig sabihin, hindi sila naniniwala sa atin. At pwede na tayong tumigil.” At ang sumunod ay bahagi na ng kasaysayan: ang tagumpay ng bayan na nangyari sa Luneta na kung saan halos 2 milyon ang dumating.
-Jose Peping Cojuangco
Kapag umaalis siya papuntang ibang bansa noong presidente pa siya, isa lang sa amin ang isinasama niya, at sa bulsa niya kinukuha ang pambayad sa aming pamasahe, hindi sa kaban ng bayan.
Pinky Aquino-Abelleda