1. Pag-usbong at kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo, National monarchy, Renaissance, Simbahang Katoliko at Repormasyon
B. Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa
1. Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon
2. Dahilan at Epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon
3. Kaganapan at Epekto ng Rebolusyong at Industriyal.
Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon-Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
Matapos talakayin ang mga kabihasnang klasikal na nabuo sa daigdig, bibigyan naman ng tuon sa bahaging ito ng Modyul ang kalagayan ng mundo sa Panahon ng Transisyon. Pagtutuunan sa araling ito ang mga kaganapan sa kasaysayan na nakasentro sa Europe- mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval.
Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.
Pagbagsak ng Imperyong Roman. Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng imperyong Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.
Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan. Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya.
Uri ng Pamumuno sa Simbahan
Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa talahanayan.
Answers & Comments
Answer:
. Paglakas ng Europa

#carryonlearning