Ang Kongreso ng Pilipinas (Ingles: Congress of the Philippines) ay ang pangunahing tagapaggawa ng batas ng Pilipinas. Isa itong lupong bikameral na binubuo ng mataas na kapulungan, ang Senado, at ang mababang kapulungan, ang Kapulungan ng mga Kinatawan.[1]
Binubuo ng 24 na senador ang Senado[2], ihinahalal ang kalahati nito bawat tatlong taon. Sa gayon naglilingkod ang bawat senador sa loob ng anim na taon. Ihinahalal ang mga senador ng bawat manghahalal at hindi kumakatawan ng kahit anumang heograpikang distrito.
Binubuo ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng hindi lalagpas sa 250 mambabatas. May dalawang uri ng mga mambabatas: ang distrito at ang pansektor na mga kinatawan. Kinakatawan ng isang distritong mambabatas ang isang partikular na heograpikong distrito ng bansa. Binubuo ng isa o higit pa na distritong kongresyunal ang lahat ng mga lalawigan sa bansa. May mga sarili ding mga distritong kongresyunal ang ilang mga lungsod, kasama ang ibang lungsod na may dalawa o higit pa na kinatawan.[3
Answers & Comments
Answer:

Explanation: