Isa sa pinakamahalagang gawain sa pang-ekonomiks ang pagkonsumo.Dahil sa walang katapusan na pangangailangan at kagustuhan ng tao, hindi maiiwasan ang pagkonsumo rin ng tao. May iba’t ibang uri ng pagkonsumo. Una ay ang tuwirang pagkonsumo. Ito ay ang pagkonsumo kung saan madali mo nakukuha ang kasiyahan mo dahil nakuha mo ang gusto mo. Halimbawa, gusto mo bumili ng bagong nail polish at bumili ka agad sa mall. Ito ay isang halimbawa kung saan ipinapakita nito ang tuwirang pagkonsumo. Ang isa pa ay ang maaksayang pagkonsumo kung saan nasasayang ang mga binibili mo. Halimbawa, pagbukas ng TV ngunit hindi ka naman nanunuod kundi gumagamit ka lamang ng telepono mo. Ang isa pa ay ang mapanganib na pagkonsumo kung saan pagbili ng mga bagay na magdudulot lamang ng masama sa ating katawan. Katulad ng mga alak at sigarilyo na hindi naman nakakatulong sa ikabubuti ng katawan natin. Ang isa pa ay ang produktibong pagkonsumo kung saan nakakabuo ka ng ibang produkto sa binili mo. Halimbawa nito ay ang pagbili ng tela upang gawing damit o kurtina. Dito napapakita na ang isang bagay na binili mo ay maaring maging isa pang bagay na magagamit ng mga tao. May mga salik din na nakakaapekto sa ating pagkonsumo. Una ay ang kakayahang bumili. Nakakaapekto ito dahil kung ikaw ay may trabaho na o sumusweldo na, mas kaya mong bilhin ang mga gusto mong bilhin. Halimbawa, ikaw ay isang guro at sumusweldo ka ng pitong libo kada isang buwan, sa sweldo mong iyon maaaring itabi mo ang dalawang libo upang gamitin sa pamimili ng mga bagong kagamitan para sa sarili mo. Isa pa ay ang okasyon. Kapag may mga okasyon tulad ng mga kaarawan nakakaapekto ang pagkonsumo ng tao dahil naglalaan o naglalabas sila ng pera para sa handaang gaganapin o kung ano pang bagay na kakailanganin para sa okasyong iyon. Halimbawa sa pasko, bumibili ang mga tao na pang-regalo sa mga kapamilya nila at kaibigan. Ang presyo naman ay nakakaapekto din dahil kung ang benta ng isang sibuyas ay mahal, maaaring kaunting tao lang ang bumili nito dahil sa mahal na presyo.
Answers & Comments
Answer: