Ang Bayan ng Tondo (Baybayin: ᜆᜓᜈᜇᜓ; Kapampangan: Balen ning Tondo; Tsino: 東都; pinyin: dōngdū; Malay: Negara Tundun), tinatawag ring Tundo, Tundun, Tundok, Lusung, Tung-lio, Imperyong Luzon,[1] o Sinaunang Tondo, ay isang sinaunang sentro ng kalakalan sa Pilipinas na ang kabisera ay nasa look ng Maynila, ang Tondo sa kapuluan ng Luzon. Ito ay ang isa sa mga kabihasnan sa Pilipinas na nabanggit sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna noong taong 900. Ito ay kadalasang itinuturing ng mga dayo (partikular mga Tsino, Portuges at Kastila) bilang "Kaharian ng Tondo" (Baybayin: ᜃᜑᜍᜒᜀᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜆᜓᜈᜇᜓ) subalit ipinaliwanag na ito'y mali sa isa sa mga unang diksyunaryong Tagalog na Vocabulario de la Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura noong 1613.
Kasama ang Bayan ng Maynila, ang bayan sa katimugang bahagi ng Ilog Pasig, nagtatag ito ng kabahaging monopolyo sa kalakalan ng panindang Tsino patungo sa buong kapuluan ng Pilipinas, na siyang naging dahilan upang maging malakas ang Tondo sa pakikipagkalakalan sa buong Timog-silangang Asya at Silangang Asya.
Kasunod ng pagdating ng mga Kastila noong 1570 at ang pagkatalo ng mga katutubong pinuno sa look ng Maynila noong 1571, ang Tondo ay pinamunuan mula sa Intramuros (isang tanggulang itinayo ng mga Kastila mula sa mga labi ng bayan ng Maynila). Ang tuluyang pagsakop ng Imperyong Kastila sa Tondo ay nagwakas sa katayuan nito bilang isang malayang estado. Kasalukuyan na lamang ito umiiral bilang isang distrito sa lungsod ng Maynila.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: