Maraming epekto ang pagdami ng sasakyan sa komunidad. Ang iilan sa mga epektong iyon ay matinding trapiko, dagdag na polusyon sa hangin, pag-init ng panahon, pagdami ng mga kaso ng naaaksidente at pagkasanay ng mga tao na hindi na gumamit ng bisikleta.
Madalas na ang matinding trapiko sa komunidad dala ng maraming sasakyang may kanya kaniyang papupuntahan. Nahuhuli na sa trabaho ang iilang mga tao dahil sa trapik at mabagal umusad ang biyahe kaya't bihira o minsan na lamang tuloy tuloy ang andar ng mga sasakyan.
Dagdag rin ang polusyon sa hangin at lalong pag-init ng panahon dala ng usok ng sasakyan at langis na dagdag sa init. Nakakaapekto rin ito sa kalusugan ng mga taong nasa publikong lugar at nalalanghap ang usok nito.
Dumadami rin ang kaso ng naaaksidente dala ng trapiko at mabilis na pagmamaneho ng ilang mga sasakyan. Dahil dito, marami ang nababawian ng buhay o nadadala sa ospital.
Nasasanay na ang mga taong bumyahe ng naka-kotse kaysa sa bisikleta. Makakatulong sana ito sa pagpapabawas ng polusyon sa hangin at naeensayo ang mga tao, ngunit dahil karamihan na ng mga tao ay kayang bilhin ang mga kotse, nakakalimutan na ng karamihan ang gumamit lang ng bisikleta
Answers & Comments
Answer:
Epekto ng pagdami ng sasakyan

more information
brainly.ph/question/8148810
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-epekto-ng-pagdami-ng-sasakyan-5-halimbawa
brainly.ph/question/6134898