Ang nararapat mong gawin ay kumilos at suportahan ang gobyerno sa kanilang mga gagawin. Ito ang iilan sa mga paraan upang maipagtanggol mo ang iyong bansa! Kung hindi ka kikilos, baka mahuli na ang lahat at manalo na ang kasamaan. Mayroon tayong karapatang magsarili at hindi pakialaman ng ibang bansa. Kung sakaling mangyari man ito, dapat handa tayong kumilos para sa ikabubuti at sa ikatatahimik ng ating bansa. Kung mahal natin ang ating bansa, ipagtanggol natin ito. Kaya natin 'to! Nawa'y maging mapayapa at maayos ang ating bansa. Ipagdasal rin po natin ang ating bansa. Ang Diyos na ang bahala sa atin. Huwag po tayong mangamba, dahil kakampi natin ang Diyos sa lahat ng oras. Manalig tayo sa Diyos.
Answers & Comments
Sagot:
#CarryOnLearning