2. Pagpanaw ni Pang. Quezon • Aug. 1, 1944 , pumanaw si Pang. Manuel L. Quezon sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis. Pamalit sa kanya bilang pangulo si Sergio Osmeña Sr.
3. Pagbabalik ng mga Amerikano • Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuta ng Hapon sa Davao noong Aug. 9, 1944. Sinundan ito ng pagdaong ng mga Amerikano sa Palo, Leyte noong Oct. 20, 1944. Ito ang simula ng pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas.
4. Paglaya ng Maynila • Napalaya ng mga Amerikano ang Maynila noong Feb. 23, 1945 matapos ang mahigit sampung araw na labanan. Daan-daang mga sibilyan ang namatay sa nasabing labanan.
5. Paglaya ng Pilipinas • Noong ika-4 ng Hulyo 1945, ipinahayag ni Hen. MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapon. Ngunit may mga nalalabi paring mga puwersa ng mga Hapon na hindi sumusuko sa ibang mga lugar sa Pilipinas.
6. Pagwawakas ng Digmaan • Aug. 6, 1945, pinasabog sa unang pagkakataon ang Atomic Bomb sa Hiroshima. Nasundan pa ito ng isa pang pagsabog sa Nagasaki noong Aug. 9, 1945. Matapos nito, ipinahayag ni Emperor Hirohito ng Hapon ang pagsuko nito sa digmaan.
7. • Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945. Ito ang pormal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
8. Pagsuko ng mga Hapon sa Pilipinas • Mula Maynila, umurong ang mga puwersang Hapones sa pamumuno ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa Aparri, Cagayan. Nanatili sila roon hanggang sa kanilang pagsuko noong Setyembre 3, 1945. Dito pormal na nagwakas ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.
9. Pagwawakas ng Pamahalaang Komonwelt. • Noong Abril 23, 1946, naganap ang huling halaan sa ilalim ng pamahalaang komonwelt. Nagwagi sa halaang ito si Manuel Roxas at Elpidio Quirino bilang pangulo at pangalawang pangulo. Sila rin ang naging unang mga pinuno ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
10. Ang Ikatlong Republika Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa
11. Paglaya ng Pilipinas • Matapos ang mahigit 48 taong panunungkulan, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Naging isang ganap na estado ang Pilipinas. Nanumpa bilang unang pangulo si Manuel A. Roxas.
12. Talambuhay ni Manuel A. Roxas • • • • • • Pagsilang: Enero 1, 1892 sa Capiz (Roxas City) Magulang: Gerardo Sr. at Rosario Acuña Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Trinidad De Leon Anak: Ruby at Gerardo Jr. Kamatayan: Abril 16, 1946 sa Clark Air Base, Pampangga dahil sa sakit sa puso
13. Panunungkulang Pampubliko • Konsehal, Bayan ng Capiz • Gobernador, Lalawigan ng Capiz • Kinatawan at Ispiker ng Mababang Kapulungan • Miyembro, OSROX Mission 1931-1933 • Founding Chairman, Liberal Party • Delegado ng 1935 Constitutional Convention
14. Suliraning Kinaharap ni Pang. Roxas • Pag-angat sa lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa digmaan. • Pagpapanatili sa pambansang katahimikan dahil sa mga HUK. • Paglutas sa isyu ng kolaborasyon.
15. Philippine Trade Act (Bell Trade Act, Parity Rights) • Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa. • Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang gamitin at makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas.
16. Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement Bago pa man ang inagurasyon ng Ikatlong Republika at maging isang ganap na malayang bansa ang Pilipinas, inaprubahan na ng United States at ng Pilipinas ang Philippine Trade Act na kilala rin sa tawag na Bell Trade Act noong Abril 30, 1946. Hinango ang katawagan ng nasabing batas kay Congressman C. Jasper Bell na nagpanukala nito sa Kongreso ng United States. Kung babalikan, ang katatapos na Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagdulot ng malawakang pinsala sa pamumuhay at kabuhayan ng mga Pilipino. Sa mga sang-ayon sa Philippine Trade Act, isang magandang simula ito para sa bansa dahil binubuksan nito ang malaking oportunidad na muling itaguyod ang ekonomiya sa pamamagitan ng mahusay na ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at United States. Sa kabilang dako, naging isang malaking isyu ang pag-apruba sa Philippine Trade Act. Marami ang hindi sang-ayon dahil sa pagkakaloob sa mga Amerikano ng pantay na karapatang gamitin, linangin at paunlarin ang likas na yaman ng Pilipinas. Tinawag ito bilang “Parity Rights”. Bukod dito, Ipinahayag ng U.S. na hindi maipagkakaloob ang halaga para sa bayadpinsala nang walang kasunduang pangkalakalan na tulad ng Bell Trade Act.
Answers & Comments
Answer:
yan po
Explanation:
1. Paglaya ng Pilipinas