Ang Tradisyunal na Papel ng Babae
Itinuturing na iisa lamang ang maaaring tunguhin ng babae sa tradisyunal na
Asya. Ito ay ang maging isang asawa at maging ina. Bilang asawa, ang babae ay
dapat maging tapat na kabiyak at dapat niyang pagsilbihan ang kanyang asawa.
Sa India, ang itunuturing na huwaran na babaing asawa ay si Sita, asawa ni
Prinsipe Rama sa epikong Ramayana. Si Sita ay naging tapat kay Prinsipe Rama
nang siya ay mapasakamay ng hari ng mga unggoy. Sumailalim siya sa pagsubok sa
apoy upang patunayan ang kanyang katapatan at kalinisan sa asawa. Sa Hinduism,
bilang patunay ng pagmamahal sa asawang lalaki, ang asawang babae ay
inaasahang tumalon sa funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng kanyang asawa.
Ang tawag sa kaugalian na ito ay Suttee.Bilang paggalang nila sa asawang lalaki ang
asawang babae ay kakain lamang pagkatapos kumain ang kanyang asawa.
Sa China ang pinakamahalagang papel ng babae ay ang magluwal ng sanggol
lalo na sa mga sanggol na lalaki. Dahil dito ang pagiging baog o walang kakayahan
ng babae na magluwal ng sanggol ay maaaring maging dahilan ng diborsyo sa China.
Sinasalamin naman nila ang mababang antas ng babae sa kaugaliang footbinding. Ito
ay sadyang pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki ng normal.
Sa pagpasok ng ideolohiyang sosyalismo sa China sa ika-20 siglo itinuring na
pantay ang babae at lalaki at mariing ipinagbawal ang foot binding. Subalit sa
sinaunang kababaihan sa Asya napakahalaga ang papel na kanilang ginagampanan
bilang mga diyosa.
Hindi matatawaran ang kahusayans, mahalagang papel o ambag ng mga
Kababaihan Pilipino sa ating Ibuhay, pulitikal, panlipunan at kultural. Narito ang ilan
sa napakaraming natatanging kababaihan na Pilipino na may malaking ginampanan
sa lipunan.Sa panahon ng pananakop ng mga kastila hindi maikakaila ang mga naging
ambag ni Gabriela Silang na kinilala bilang Joan of Arc ng llokos dahil sa kanyang
katapangan para ipagpatuloy ang pag-aalsa na sinimulan ng kanyang asawa na si
Diego Silang laban sa mga kastila.Nagpakita rin ng kagitingan si Teresa Magbanua
na kinilala rin bilang Joan of Arc ng Visayas. Isang guro at lider ng military na
nakapagsagawa ng matagumpay na pakikidigma lanban sa mga kastila. Sa panahon
din ng kolonyalismong kanluranin nagpakita rin ng mataas na pagmamahal sa bansa
si Melchora Aquino na binansagang, "Tandang Sora" at kinilala rin bilang "Ina ng
Rebolusyong Pilipino" "Ina ng Katipunan" at "Ina ng Balintawak” dahil sa serbisyong
ipinagkaloob sa rebolusyonaryong Pilipino. Nariyan din ang naging ambag ng iba pang
miyembro ng mga kababaihan sa katipunan, katulad nina; Gregoria De Jesus na
tinaguriang “Lakambini ng Katipunan” at si Marcela Agoncillo bilang pangunahing
mananahi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas.Nakilala rin sa larangan ng sining si Francisca Reyes-Aquino na kauna-
unahang babaeng Pilipino na ginawaran ng parangal bilang "Pambansang
Alagad ng
Sining" sa sayaw sa Pilipinas. Sa naturang larangan din nakilala si Lea Salonga sa
tagumpay sa musical na "Miss Saigon" noong 1989.
Sa larangan naman ng pagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan
napakalaki rin ang naging ambag ni Helen Benitez sa kanyang pagkakahalal bilang
kauna-unahang babae na pangulo ng United Nations Commission on the Status of
Womens
Sa larangan ng pulitika kinilala si Corazon C. Aquino bilang kauna-unahang
babae na naging pangulo ng bansa at ay tinagurian bilang "Ina ng Demokrasya".
Malaki rin ang naging ambag sa larangan ng pamamahala ang dating senador na
si Meriam Defensor-Santiago bukod sa serbisyo niya sa sangay ng lehislatura malaki
rin ang naitulong niya bilang kauna-unahang babaeng Pilipinong hukom sa
International Court of Justice ng United Nations. Ito ay ilan lamang sa marami pang
natatanging Pilipino kababaihan na nakapag-ambag sa ating lipunan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.