Ang seksyon na ito ay magbibigay sa iyo ng impormasyon at maikling pagtatalakay sa paksa Suriin at unawain ang teksto gayon din ang dayagram tungkol sa limang tema ng heograpiya. M Ang salitang Heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na Geo o daigdig at Graphia o paglalarawan. Sa madaling salita ang ibig sabihin ng Heograpiya ay pag-aaral o paglalarawan ng daigdig. Limang Tema ng Heograpiya 1. Lugar 2. Lokasyon 3. Rehiyon 4. Interaksiyon ng tao at kapaligiran 5. Paggalaw Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig-halaman, hayop, at tao-ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Kung gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran-mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon-ay naaapektuhan ng araw Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Ala 12 Istruktura ng daigdig Ang daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng daigdi na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. C Ang daigdig ay may plate o malaking masa ng bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip ito ay gumagalaw na tila ba inaanod ng mantle. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na sa katunayan, umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.