Questions


October 2022 1 8 Report
Ang pangkat-etnikong gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan sa pamamagitan lamang ng kanilang malikhaing kamay *
1 point
A. Ivatan
B. Manobo
C. Ifugao
D. Samal
2. Naglalagay ng disenyong sarimanok sa kanilang mga bahay. *
1 point
A. Cebuano
B. Muslim
C. Waray
D. Ilonggo
3. Sa kanila natin natutunan ang pagsasagawa ng malaking pista at pag-aalala sa Santong Patron ng mga bayan *
1 point
A. Arabe
B. Tsino
C. Amerikano
D. Espanyol
4. Ang kaugaliang nagiging masigasig lamang sa umpisa ngunit hindi natatapos ang gawain. *
1 point
A. mañana habit
B. bahala na
C. ningas cogon
D. pakikisama
5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino maliban sa isa. *
1 point
A. Pagtangkilik sa larong Pinoy
B. Paggalang sa watawat ng Pilipinas
C. Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa.
D. Pagkalimot sa ating tradisyon
6. Saan kilala ang mga Kapampangan? *
1 point
A. pagiging masinop
B. pagkaing may gata at sili
C. mahusay sa pagluluto at pagsusuot ng magagarang damit
D. pagiging malumanay at mahinahon
7. Ang mga Ilokano ay kilala sa _____. *
1 point
A. pagiging masinop
B. pagkaing may gata at sili
C. mahusay sa pagluluto at pagsusuot ng magagarang damit
D. pagiging malumanay at mahinahon.
8. Paano maisusulong at mapapaunlad ang kulturang Pilipino? *
1 point
A. Paunlarin ang kasanayan sa pagguhit ng mga disenyong etniko.
B. Lumahok sa mga palatuntunan ukol sa kulturang Pilipino.
C. Pangalagaan at isabuhay ang kulturang Pilipino.
D. A, B at C
9. Nagmula sa pangkat ng ______ ang isa sa pinakamaunlad na paraan ng pagsasaka na hindi ginagamitan ng mga kemikal. *
1 point
A. Mangyan
B. Badjao
C. Igorot
D. Maranao
10. Tawag sa grupo ng mga tao na pinagbubuklod ng iisang kultura at salita. *
1 point
A. Mamamayan
B. Etnolingguwistiko
C. Tribo
D. Dayuhan
11. Bakit dinarayo ng mga pangkat etnolingguwistiko ang Pambansang Punong Rehiyon O Maynila? *
1 point
A. Mas malawak ang lupang sakahan.
B. Umaasa na umunlad at gumanda ang estado ng pamumuhay.
C. Upang mamasyal sa magagandang pasyalan sa lungsod.
D. Upang Makita ang mga tao sa Maynila.
12. Tinatayang mahigit 15 milyon ang gumagamit ng wikang ito sa Pilipinas. *
1 point
A. Waray
B. Ilokano
C. Tagalog
D. Kapampangan
13. Sila ang itinuturing na pinakamalaking pangkat- etnolinggwistiko sa buong bansa. Sa panahon ngayon, halos pumapantay na ito sa kamaynilaan sa bilis ng pag-unlad ng kabuhayan *
1 point
A. Ilokano
B. Tagalog
C. Kapampangan
D. Cebuano
14. Ano ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas? *
1 point
A. Budismo
B. Kristiyanismo
C. Islam
D. Protestantismo
15. Paano pinahahalagahan ang pamilya sa kulturang Pilipino? *
1 point
A. Kabilang sa konsepto ng pamilya ang extended family na binubuo ng mga kaibigan, kaklase, kapitbahay at kalaro.
B. Kabilang sa konsepto ng pamilya ang extended family na binubuo ng mga tiyo at tiya, pinsan, lolo at lola, pati na ang mga ninong at ninang
C. Pagsapit ng wastong edad ng mga anak ay humihiwalay na sa kanilang mga magulang.
D. Kanya-kanya ang mga miyembro ng pamilya.
16. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagdiriwang ng kapistahan sa Pilipinas maliban sa isa. *
1 point
A. bilang pagpapasalamat sa mga kanilang patron o santo dahil sa mabuting ani o mabuting nangyari
B. bilang paraan upang ipakita ang sariling kultura or gawain na kilala sa lungsod o bayan nila
C. ipinagdiriwang ang anibersaryo ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng kanilang lugar
D. upang maipakita kung gaano kayaman ang kanilang lugar
17. Ito ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga at nagbibigayhalaga sa mga yamang-kultural ng Pilipinas. *
1 point
A. National Center for Culture and the Arts
B. Department of Tourism
C. Cultural Center of the Philippines
D. National Historical Commission of the Philippines
18. Isinasaad ng batas na ito na dapat pangalagaan ang mga pinaghukayan ng mga kagamitan ng ating mga ninuno sa Cagayan, Kalinga, Apayao, at Calatagan. Hindi dapat sirain o galawin ang mga lugar na ito. *
1 point
A. P.D. 019
B. P. D. 901
C. P.D. 109
D. P. D. 910
19. Ang batas na ito ay nagtatakda na ang mga makasaysayang pook sa ating bansa ay dapat ituring na banal. Kabilang dito ang mga sambahan, pambansang dambana, at mga bantayog tulad ng Bagumbayan o Luneta. *
1 point
A. P.D. 206
B. P. D. 602
C. P.D. 260
D. P. D. 620
20. Isinasaad sa artikulo na ito ng ating Pambansang Konstitusyon na ang sining, panitikan, at iba pang bahagi ng kulturang Pilipino ay dapat tangkilikin, pangalagaan, at paunlarin para sa pambansang pagkakakilanlan.
A. Artikulo XIV, Seksiyon 14 at 15
B. Artikulo XIV, Seksiyon 15 at 16
C. Artikulo XVI, Seksiyon 14 at 15
D. Artikulo XVI, Seksiyon 15 at 16

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.