Ang mga naproklama bilang Pambansang Alagad ng Sining ay binibigyan ng Grand Collar na magsisilbing simbolo ng pagkakaroon ng katayuang ito. Ang Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ay binubuo ng mga nakatanggap ng Grand Collar. Kung gayon, ang Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ay isang ranggo, titulo, at gantimpalang naisusuot; sinasagisag ang pinakadakilang pambansang pagkilala na iginagawad sa mga Pilipinong nagbigay ng di-matatawarang ambag sa larangan ng sining at panitikan. Magkasama itong pinangangasiwaan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP), at iginagawad naman ng Pangulo ng Pilipinas, sa rekomendasyon ng dalawang institusyon.
Bilang isa sa Mga Parangal ng Pilipinas, kinakatawan nito ang pinakatugatog ng mithiin ng bansa para sa humanismo at estetikong pagpapahayag sa mga bukod-tanging gawa ng mga indibidwal na mamamayan ng bansa. Nahahawig ang Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa mga orden at medalya ng ibang mga bansa na kumikilala sa iba’t ibang ambag sa kanilang kultura gaya ng U.S. National Medal for Arts, at ng Order of Culture of Japan.
Sang-ayon sa patakaran ng National Commission for Culture and the Arts, ang Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ay iginagawad tuwing tatlong taon.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: