Ang Asya ay hinati sa limang rehiyon.Alin sa mga sumusunod ang isinaalang-alang na aspekto sa paghati nito? A.pisikal at kultura B.kultura at historical C.pisikal,kultura at historical
Ang Asya ay hinati sa limang rehiyon, at isinaalang-alang ang mga aspektong pisikal, kultural, at historikal sa paghati nito, kaya naman ang tamang sagot dito ay C., pisikal, kultural, at historikal.
Explanation:
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, at ito ay hinati sa limang rehiyon.
Narito ang limang rehiyon ng Asya:
Gitna at Hilagang Asya – kalimitang malamig ang klima, at karamihan sa mga bansa ay nagtatapos sa “-stan”. Kasama din dito ang kalahati ng bansang Russia.
Silangang Asya – kalimitang malamig, at karamihan sa nakatira dito ay singkit ang mga mata. Kabilang dito ang China (at Taiwan), Japan, Mongolia, North Korea, at South Korea.
Timog-Silangang Asya – ito ang rehiyon kung saan kabilang ang Pilipinas, at nahahati sa mainland Southeast Asia (Thailand, Mainland Malaysia, Myanmar, Vietnam, Laos, Cambodia, at Singapore) at maritime Southeast Asia (Maritime Malaysia, Brunei, Indonesia, Pilipinas, at East Timor).
Timog Asya – ito ang rehiyon sa ibaba ng Himalayas, kabilang ang mga bansang India, Sri Lanka, Nepal, Bangladesh, Pakistan, at Maldives.
Timog-Kanlurang Asya o mas kilala bilang Gitnang Silangan – mainit ang klima at halos tinatakluban ng malalaking disyerto.
Kung nais mong malaman kung ano-ano ang mga rehiyon sa Asya at mga bansang nasasakupan nito, pindutin lamang itong link:
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Mga Rehiyon ng Asya
Ang Asya ay hinati sa limang rehiyon, at isinaalang-alang ang mga aspektong pisikal, kultural, at historikal sa paghati nito, kaya naman ang tamang sagot dito ay C., pisikal, kultural, at historikal.
Explanation:
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, at ito ay hinati sa limang rehiyon.
Narito ang limang rehiyon ng Asya:
Kung nais mong malaman kung ano-ano ang mga rehiyon sa Asya at mga bansang nasasakupan nito, pindutin lamang itong link:
brainly.ph/question/202712
#BrainlyEveryday