Ang pagkakatuklas ng apoy ay ang isa sa mga pinakamahalagang tuklas o diskubre sa kasaysayan ng daigdig. Malaki ang naitulong o naiambag ng apoy sa pamumuhay ng mga sinaunang Asyano hanggang sa ngayon. Naging mahalaga para sa mga sinaungang Asyano ang apoy dahil pinaunlad o pinadali nito ang pang araw-araw na gawain nila. Katulad sa aspetong pagluluto, ginagamit nila ang apoy upang iluto nila ang kanilang makakain. Bakit nga ba mahalaga ang pagluluto ng pagkain? Dahil sa pagluluto ng pagkain ay mapapatay ang mga mikrobyo na nasa pagkain na maaring makasama sa ating kalusugan na nagiging sanhi kung bakit tayo ay nagkakaroon ng sakit. Isa pa sa kahalagahan ng Apoy ay nakatulong ito sa kanilang pangangaso ng mababangis na hayop. Kung dati ay gumagamit lamang sila ng mga matutulis na bagay o kasangkapang gawa sa bato sa pantakot o pantaboy ng mga mababangis na hayop, ngayon ay gumagamit na sila ng Apoy sa gawaing ito. Naging mas epektibo para sa kanila ng paggamit ng apoy sa aspeto ng pangangaso dahil dito mas natatakot ang mga hayop .Ginamit rin nila ang apoy bilang proteksyon sa malamig na panahon. Hindi pa uso noon ang mga pananamit o pagsuot ng damit dahil hindi pa gaanong malawak ang pag-iisip ng sinaunang asyano ng matuklasan ang apoy, kung kaya’t malaking tulong talaga ang apoy sa kanila dahil ito ay nakakatulong upang makaiwas sa pagkakaroon ng sakit ng mga sinaungang asyano. At ang pinakahuling kahalagahan ng Apo ay ginagamit nila itong ilaw upang makakita sa loob ng mga madidilim na yungib o kweba dahil dati ay hindi pa uso ang pagkakaroon ng mga ilaw sa kapaligiran. Masasabi nga natin na malaki nga talaga ang naimbag sa pamumuhay ng Sinaunang Ayano sa pagkaktuklas ng Apoy.
Answers & Comments
Answer: