aling pahayag ang nagsasaad Ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto Ng pag unlad na tao?
A. pinakinis na bato ang gamit noong panahong neolitiko
B. umuunlad ang sistema Ng agrikultura sa panahong paleolitiko
C. Dumami ang maaring gawin Ng mga tao nang gumamit na Sila Ng metal
D. Ang sistema Ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon Ng kalakalan
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Ang Rebolusyong Agrikultural
Ang pahayag na nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao ay ang pag-unlad ng sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko, kaya ang tamang sagot ay letrang B.
Explanation:
Ang pag-unlad ng sistema ng agrikultura ay naganap noong Neolitiko, at hindi noong Paleolitiko. Dahil sa pagkatuklas ng agrikultura ng mga sibilisasyon sa Mesopo tamia, nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na iwanan ang buhay mangangaso at manirahan na lamang sa mga malalawak na lupain na ginawa nilang taniman ng iba’t-ibang halaman. Mula sa mga taniman na ito ay umusbong ang mga makapangyarihang lungsod, at ang agrikultura din ang nag-impluwensya sa mga tao na magsimulang mangalakal sa isa’t-isa.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga kaganapan noong panahong prehistoriko, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/5611508
#BrainlyEveryday