Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang isang bagong sibilisasyon na unti-unting umusbong sa lonia at mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece? A. Kabihasnang Minoan B. Kabihasnang Hellenic C. Kabihasnang Mycenaean D. Kabihasnang Griyego
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 B.C.E. hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.
Answers & Comments
Answer:
B. Kabihasnang Hellenic
Explanation: