Questions


October 2022 1 3 Report
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paglalarawan sa Asya bilang isang kontinente?

a. Ang Asya ay malapit sa karagatang pasipiko kay kaya karamihan sa mga bansang nabibilang sa rehiyon ay may klimang tropikal.

b. Ang Asya ay ang pinakamaliit na kontinente sa mundo kaya salat ito sa likas na yaman.

c. Ang Asya ay World Class pagdating sa pakikipagtagisan ng galing sa iba’t ibang larangan.

d. Ang Asya ay biniyayaan ng iba’t ibang likas na yaman at magagandang tanawin na matatagpuan sa mga rehiyon nito.

Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang kabilang sa Timog at Timog-Silangang Asya?

a. Pagtotroso
b. Pangingisda
c. Pagsasaka
d. Pagmimina

Sa rehiyong ito matatagpuan ang dalawa sa pinakamalaking kapuluan sa daigdig, ang Indonesia at Pilipinas.

a. Kanlurang Asya
b. Timog-Silangang Asya
c. Silangang Asya
d. Timog Asya

Ang bansang China, Japan, Mongolia, North Korea, South Korea at Taiwan ay bumubuo sa anong rehiyon ng Asya?

a.Timog Asya
b. Silangang Asya
c. Kanlurang Asya
d. Hilagang Asya

Ano ang kapakinabangan ng paghahating heograpikal sa Asya?

a. Nagkaroon ng pansariling pagkakakilanlan o identidad ang bawat rehiyon.

b. Napabilis ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa mga usaping pang-ekonomiya, pampolitika at panlipunan.

c. Higit na napapadali ang pagtamo ng kalinangan, kaunlaran at kapayapaan sa mga rehiyon.

d. Lahat ay maituturing na kapakinabangan ng paghahating heograpikal sa Asya.

Sang-ayon sa Paghahatig Heograpikal ng Asya, ang kontinente ay hinati sa ilang rehiyon?

a. 4
b. 7
c. 5
d. 6

Ito ang pinakamalaking kontinente sa mundo sa larangan ng sukat at populasyon

a. ASYA
b. EUROPE
c. NORTH AMERICA
d. AFRICA

Alin sa mga sumusunod ang problemang kinakaharap ng mga Asyano namay kinalaman sa kapaligiran at mga likas na yaman?

a. Umaasa lamang ang karamihang bansang Asyano sa dayuhang kapital at teknolohiya.

b. Hindi napangangalagaan nang tama ang yamang-likas ng kapaligiran.

c. Lahat ng nabanggit.

d. Hindi pa lubos na nalilinang ang mga yamang-likas ng Asya.

Ano ang mga salik sa pagkakahati ng Asya sa mga rehiyon?

a. Heograpikal at Kultural
b. Kultural at Pulitikal
c. Pulitikal at Sosyolohikal
d. Ekonomikal at Sosyolohikal

Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan (Mooney, 2011)

a. Heograpiya
b. Lipunan
c. Kultura
d. Topograpiya

Ano ang binigyang-diin ng kultural na salik sa paghahating heograpikal sa Asya?

a. Sistema ng pamumuno at pagpili ng lider.

b. Pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga karatig lugar o bansa.

c. Historikal at pagkakatulad sa gawi ng pamumuhay, relihiyon, politika at ang impluwensiya nito.

d. Pisikal na aspeto kung saan nakapaloob ang lokasyon, o ang pagkakalapit ng mga bansa.

Alin sa mga sumusunod ang isang anyong lupa?

a. Gulpo
b. Kipot
c. Look
d. Talampas

Ano ang kahalagahan ng yamang-likas sa pag-unlad ng Timog Asya at Timog-Silangang Asya?

Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at pinakamahalagang butil pananim ang palay?

a. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.

b. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley

c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim ng palay.

d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyon.

Anong mahalagang papel ang ginampanan ng ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran sa pag-unlad ng kabihasnan?

Alin sa mga sumusunod ang isang anyong tubig?

a. Burol
b. Lambak
c. Tangway
d. Look

Anong batayan sa paghahating panrehiyon ang nagbigay diin sa pisikal na katangian ng isang bansa o rehiyon na mayroong magkakatulad na katangian tulad ng pagkakalapit ng lokasyon ng mga bansa, klima, topograpiya at kultura?

a. Kultural
b. Heograpikal
c. Pulitikal
d. Insular​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.