Alam mo ba kung anong prutas ito? Paborito mo ba itong kainin? Bakit kaya
parang may korona ito? Halina't tuklasin natin.
Bakit May Korona Ang Bayabas?
Mula sa blog ni Jim Lloyd-Alamat ng mga Prutas
May isang Sultan na napakapayat ngunit
kinamumuhian ng marami sa kanyang kasakiman at
kalupitan. Palagi niyang suot ang kanyang korona upang
ipakita na siya ay makapangyarihan. Isang araw habang
kumakain si Sultan Barabas ng kanyang masaganang
tanghalian, isang marungis na batang ulila ang lumapit ang humingi ng kaunting limos.
"Parang awa na po ninyo Sultan Barabas, ulila na po ako. Tatlong araw na
po akong hindi kumakain at palabuy-laboy dahil sa wala po akong tirahan," ang
pagsumamo ng bata.
Aaahh...at sino kang lalapit sa oras ng aking pagkain. Dapat ay sa mga
katulong ka humingi ng limos, ang pasinghal na sabi ng sultan. Humingi na po ako sa
kanila nguni't ayaw po nila akong bigyan," ang lumuluhang sabi ng bata.
Lumayas ka! Layas! Nakakawala ka ng gana," bulyaw ng Sultan sa bata.
Sa halip na umalis ay lalong lumapit ang bata. Nagalit ang Sultan kaya bigla niyang
ibinato sa bata ang tason ng mainit na sabaw ng manok Laking gulat niya nang mawala
ang batang umiiyak. Akma siyang tatayo upang humingi ng tulong ng bigla siyang
nalugmok sa kanyang kinauupuan.
Lumapit ang mga katulong. Pinuisuhan ang Sultan nguni't natuklasan
nilang patay na ito. Inilibing ang Sultan na walang nakikiramay. Ang mga tao ay
pumili ng panibagong Sultan at kinalimutan na si Sultan Barabas.
Isang araw, ang katulong ng bagong Sultan ay humahangos at ibinalitang
may isang punongkahoy na tumubo sa kinalilibingan ni Sultan Barabas. Hitik na hitik
sa bunga ang nasabing puno.
Napakaraming bunga ng punong ito. At bawa't isa ay may maliit na korona,"
ang wika ng bagong Sultan Purnitas siya ng isang bunga at binuksan iyon. "Naku! Ang
daming buto. Matitigas at maliliit na buto." Ang sigaw ng matandang babae. "Kasintigas
ng loob ni Sultan Barabas.
Isang matandang lalaki naman ang tumikim sa bunga. "Pagkaasim- asim!
Sing-asim ng ugali at pagmumukha ni Sultan Barabas!" Ang pangiwi niyang sabi.
Nagdaan ang maraming araw walang pumansin sa bunga ng puno hanggang sa ang
mga ito ay mahinog Nakatuwaang kainin ng mga bata ang bunga. Tumamis at
sumarap ang lasa ng bunga. Bukod pa sa rito ay nagbigay pa ito ng bitamina sa
katawan ng tao.
Mula noon ang bunga ay tinawag na "Bayabas" hango sa pangalan ni
Sultan Barabas. Sa kasalukuyang panahon ang bayabas, bukod sa ito ay kinakain o
pagkapitas sa puno, ito rin ay ipinansasahog sa ating mga lutuin. Ang mga dahon ng
bayabas ay nagagamit din sa medisina.
Sagutin ang mga tanong kung naunawaan ang kuwento:
1.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Anong ugali mayroon ang sultan na naging suliranin sa kuwento?
3. Para ipakita ng sultan na siya ay makapangyarihan, ano ang lagi niyang isinusuot?
4. Sa papaanong paraan pinakitunguhan ng sultan ang batang ulila na nanghihingi
ng limos? Bakit?
5. "Pagkaasim-asim! Sing—asim ng ugali at pagmumukha ni Sultan Barabas!"
bakit kaya nasabi ito ng matandang lalaki sa kuwento. Ipaliwanag.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.