A. Panuto: Isulat sa patlang ang T kung totoo ang sinasabi ng bawat pangungusap, DT kung di-totoo.
1. Layunin ng Imperialismo ang pagkontrol ng ekonomiya ng isang bansa at pagpapalawak ng teritoryo.
2. Pataksil na sinalakay ng mga Hapones ang Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941.
3. Nasa Pearl Harbor ang himpilang pandagat at panghimpapawid ng Amerika.
4. Ang Pearl Harbor ay nasa China.
5. Ang " Araw ng Kataksilan" ay naging hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
6. Idineklara ni MacArthur na "Open City" ang Maynila upang iligtas ito sa digmaan.
7. Si Pangulong Franklin Roosevelt ang nagsabing "I shall return".
8. USAFFE ang tawag sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa mga Hapones.
9. Nilusob ng puwersang Hapones ang himpilan ng USAFFE sa Bataan noong Mayo 9, 1942.
10. Bumagsak ang Corregidor noong Mayo 6, 1942.
11. Nakaranas ng Death March ang mga sumuko na sundalong Pilipino at Amerikano.
12. Maraming sundalo ang nanghina at namatay sa daan dahil sa matinding gutom at uhaw.
13. Dinala at ikinulong ang mga natirang buhay na mga sundalo sa kampo O'Donnel sa Capas, Tarlac.
14. Si Heneral Masaharu Homa ang kumander ng hukbong Hapones.
15. Pamahalaang Papet ang tawag sa pamahalaan sa Ikalawang Republika ng Pilipinas
Answers & Comments
Answer:
1.T
2.T
3.T
4.DT
5.T
6.T
7.DT
8.T
9.DT
10.DT
11.T
12.T
13.T
14.DT
15.T