A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa kahon ang salitang
hinihingi ng bawat pangungusap.
1. Sa sistemang ito boluntaryo o kusa ang gawaing pang ekonomiko,
tanging konsyumer at prodyuser ang kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makuha ng malaking pakinabang.
2. Mekanismo ito na layuning maisaayos na maipamahagi at
magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.
3. Pinahihintulutan sa sistemang ito na makagawa ng mga
pribadong pagpapasya, gayunpaman hindi ito nangangahulugang
ganap ang kanyang kapangyarihan. Karamihan pa rin ng
kanilang desisyon ay ginagabayan ng pamahalan.
4. Sa sistemang ito, masasabi na ang lipunan ay nakagagawa ng
alokasyon sa mga pinagkukunang-yaman batay sa kultura at
tradisyon at kaugalian ng mga tao.
5. Pamahalaan ang may kontrol at nagdidikta sa mga gawaing pangekonomiko.
6. Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ang
nagpapasya kung ano, paano, gaano at para kanino ang
produktong gagawin?
7. Sa pampamilihang ekonomiya, ang nagtatakda o humihikayat sa
prodyuser at konsyumer na gumawa at bumili ng produkto at
serbisyo ay ang______________________.
8. Ang pangunahing dahilan bakit kailangan ang alokasyon at
sistemang pang ekonomiya sa bansa.
9. Sa sistemang ito payak ang pamumuhay kung kaya’t masasabing
mabagal ang pag-unlad dahil kadalasan makalumang sistema
ang ginagamit.
10.Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraaan upang
maisaayos ang mga paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at
paglinang ng mga pinagkukunang yaman at pamamahala ng mga
gawaing pang-ekonomiko sa lipunan.
Answers & Comments
Answer:
8
Explanation:
gawaing pang akonomia sa lipunan paglinag ng mga pingkukunanh yaman at pamamahala