A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Demokrasya;

B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Kapitalismo;

C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Komunismo;

D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Monarkiya;

E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sosyalismo;

F. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Totalitaryanismo.

1. Sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakaran ay kontrolado ng
mga pribadong mangangalakal.

2. Naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak ng pamahalaan sa mahalagang industriya.

3. Layunin nito ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-uuri-uri ng lipunan (classless
society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan.

4. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao. Ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.

5. Sa sistemang ito ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao at karaniwang pumipili
ang mga tao ng pinuno sa pamamagitan ng halalan.

6. Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng mga taong
makapangyarihan. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at
mga industriya.

7. Ideolohiyang nalinang ni Karl Marx na naglalayong maging pagmamay-ari ng lipunan ang produksyon.

8. Ang ideolohiyang ito ay Malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na sinusunod ng mga bansang tulad
ng Pilipinas, Hapon, Estados Unidos at Timog Korea.

9. Ayon kay Nicolai Lenin ang dahas at pananakop ay kailangan upang maitatag ang "DiktaDurya ng
Manggagawa".

10. Ang pamahalaang ito ay kahalintulad ng pamumuno nina Hitler sa Alemanya at ni Mussolini sa Italya.
Kadalasang isang punong-militar ang may kapangyarihang diktador. Karaniwang lumaganap ang
ideolohiyang ito sa mga bansa sa Timog Amerika at Apri.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.