A ALAMIN NATIN
Ang base militar ito ay isang kampo para sa mga pagsasanay at operasyon ng
hukbong sandatahan. Sa mga base militar din inilalagay at tinatago ang mga kagamitan
ng mga militar. Bukod pa rito, ito rin ay ang sentro ng operasyon ng mga militar at dito
madalas na lumalagi ang mga pinuno o lider ng mga militar
Mayo 14,1947-pinirmahan ang kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos tungko
sa Base Militar na kung saan binigyan ang Amerika ng karapatang upahan ang base
military sa loob ng 99 na taon. Bukod sa kasunduang tulong na Militar (MILITARY
ASSISTANCE AGREEMENT)na unang nilagdaan noong Marso 21,1947. Binigyang
daan nito ang pagkatatag ang JOINT US MILITARY ADVISORYGROUP O JUSMAG Ito
ay nagtatalaga ng kinatawan mula sa hanay ng mga sundalong Amerikano upang
magbahagi ng mga kaalaman sa estratehiya.pamamaraan taktika at pagsasanay ng mga
Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Layunin din nitong palakasin ang relasyon ng Pilipinas
at Amerika. AGOSTO 30,1951 nilagdaan pa din ang isa pang kasunduan ito ay an
kasunduang pagtatanggol sa isat isa (US-RP MUTUAL DEFENSE TREATY).
B. SUBUKIN
Sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag ang sagot.
1. Ano ang base militar?
2. Bakit mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa?
3. Ano ang kabutihang maidudulot ng pakikipag-ugnayan ng Pilipina
sa ibang bansa?
4. Kailan nilagdaan ang kasunduan sa pagtatanggol sa isa't isa?
5. Ano ang nilalaman ng kasunduang ito?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.