9. Bakit tinawag na "The Centennial President" si Pang.Joseph Estrada?
a. Sapagkat ik-100 taon noon ng kalayaan ng ating bansa ng siya ay manungkulan.
b. Sapagkat siya ay 100 taong gulang nung manungkula.
c. Sapagkat siya ay nanungkulan ng 100 tao.
d. Sapagkat 100 taon ang nais niyang termino sa panunungkulan.
pang mas maging matagumpa
Answers & Comments
Answer:
a.
Explanation:
Ang Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Kagalang-galang na Pangulo ng Senado. Kagalang-galang na Speaker ng Mababang Kapulungan. Kagalang-galang na Punong Hukom ng Korte Suprema. Kagalang-galang na mga miyembro ng Kongreso ng Pilipinas. Kagalang-galang na mga kagawad ng mga Gabinete. Their excellencies of the diplomatic corps. Mga piling panauhin. Mga minamahal kong mga kababayan:
Noong Mayo onse, mahigit na 10 milyong Pilipino ang nagdesisyon na pamunuan natin ang bansa, patungo sa bagong milenyo.
Ngayon, sila ang nagtatanong, ano ba ang gagawin ng bagong pamunuang ito upang ihatid ang ating bansa sa bagong siglo?
Today, I stand before you with an accounting of the present and with a road map for our future.
Paano ba tayo itatawid sa krisis na nakabalot sa ating ekonomiya?
Nasaan na ba tayo ngayon?
Saan ba tayo nanggaling?
At saan ba tayo patutungo?
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy. Nasa harap tayo ngayon ng matinding krisis na gumugulo sa buong Asya.
Ayon sa mga eksperto, wala pa tayo sa pinakamalubhang yugto ng krisis.
Kung babalewalain natin ang kinalalagyan natin ngayon, tiyak na lulubog ang ating bansa sa bigat ng ganap ng recession.
Malubha ang lagay ng ating ekonomiya, at namimiligro ang kabang-yaman ng bansa.
Ngunit hindi nangangahulugan na walang magagawa ang pamahalaan. At lalong hindi nangangahulugan na walang magagawa ang sambayanang Pilipino.
Sawa na ang taumbayan sa mga walang-kabuluhang pangako’t palabas. Sa harap ng matinding krisis na ating pinagdaanan nitong nakaraang taon, ang kailangan nati’y mga mabilis at mabisang lunas. Ito ang matinding hamon na dapat nating tugunan—tayong lahat: ang panguluhan, ang Kongreso, ang pribadong sektor, ang mamamayan. Mabigat ang hamon na ito—subali’t buo ang tiwala kong mas matimbang ang pinagsama nating talino, sipag, at kakayahan.
But let us first make an accounting of the present. A true accounting that is perhaps long overdue.
Nitong unang bahagi ng 1998, ang paglago ng gross domestic product [GDP] ay katumbas lamang sa 20 percent ng antas na naitala noong 1997.
Nangalahati ang produksyon ng mga pabrika natin. Pawang pagbabawas ng imbentaryo—at hindi ang paglikha ng mga produkto—ang ginawa ng mga industriya natin. Sa kanilang pangangamba sa recession, lalo lamang pinalala ang problema.
Bumagsak ang ating produksyong pang-agrikultura. Bumaba nang 14 percent ang ani ng palay, at bumaba din nang 24 percent ang ani ng mais.
Malimit nating tukuyin ang phenomenon ng El Niño, subalit ang tunay na ugat ng suliranin ay ang pangkalahatang sektor ng agrikultura.
Halos double-digit na ang ating inflation rate. Napakataas ang interes na sinisingil ng mga bangko kaya naman hindi makautang ang marami nating negosyante. At lalo namang hinigpitan ng mga bangko ang kanilang pagpapautang, kaya’t maraming kalakal ang nagsasara.
Dahil sa debalwasyon at sa El Niño, tuluy-tuloy ang pagbagsak ng ating piso. Ito ay lubhang mabigat para sa ating mga kababayan natin na isang kahig, isang tuka ang kinagisnang pamumuhay.
Unemployment is now 13.3 percent and still growing; underemployment, 20 percent and also growing. 4.3 million Filipinos need a job. Twice that number wish they had a real, full-time job.
Maaaring sabihing ito ay maliit pa. Subali’t paano mo sasabihin sa pamilyang gutom na mas masama ang kalagayan ng ibang pamilya sa ibang bansa?
One lost job is one hungry family, and one cold statistic I cannot agree.
Statistics claim that the number of poor people has gone down in the past decade. I wonder if the people believe these statistics.
Wala sa akin ang mga statistics na iyan. Poor is poor—walang pera, walang pagkain, walang bubong, walang dignidad, at lalung-lalo na, walang pag-asa.
Hindi lang iyan. ‘Yung mayaman ay higit pang yumaman, at ang mahihirap lalong humirap.
I wish that I could say that we shall set up a job security fund soon. But I don’t want to add to the inventory of unfunded laws and bills that now amount to P400 billion worth of promises that will never be fulfilled.
According to statistics, in the past six years, as the Philippine economy grew, the richest 10 percent got 40 percent of the national income.
And the poorest 10 percent? Wala pang dalawang porsiyento.
It is worse in the countryside, where 40 percent of Filipinos still work for one-third of wages in the city. That is why they come here. Only to find that there are no jobs, or none for which they qualify.