Questions


October 2022 1 1 Report

8. Sa mga nangyari sa pagdedeklara ng kalayaan sa bansa. Ano ang naging bunga o epekto nito sa
sa mga tao?
A Naging gahaman ang mga nanunungkulan sa puwesto.
B. Pinanatili ang sariling interes ng mga tao.
C. Nagkaroon ng kalayaan ang mga tao,
D. Naghirap ang mga tao.

9. Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa
ng mga Pilipino?
A. Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas upang matulungang mapalayo ang
mga mananakop sa bansa.
B. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Amerikano upang kalabanin ang
mga Espanyol.
C. Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang kaisipang liberal sa bansa.
D. Napataas ang ekonomiya ng bansa.

10. Ano ang ipinahihiwatig ng mga pangyayari sa Pugadlawin?
A. Lumaganap na ang katiwalian ng mga Espanyol sa buong bansa at ito ay buong lakas na isinigaw ng mga
Pilipino
B. Nahuli na ng mga guwardiya sibil ang mga Pilipinong nagnanais na maghimagsik kaya nagwakas na ang
katipunan
C. Lumakas na ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa bansa.
D. Lahat ay tama

11. Ano ang naging bunga ng pamumuno ni Gregorio del Pilar sa mapanganib na misyon sa Pasong
Tirad?
A. Tinagurian siyang "Bayani ng Pasong Tirad",
B. Tumaas ang kanyang rango bilang sundalo.
C. Hinangaan siya ng mga kapwa sundalo.
D. Binigyan siya ng mataas na karangalan,

12. Ang Kilusang Propaganda ay itinatag noong 1872 matapos mabitay ang tatlong paring martir na
sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora na kilala sa tawag na GOMBURZA.
Bakit sinasabing ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang samahan na
binuo nila Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena at iba pang mga ilustrado?
A. Gumamit ng lapis, papel, at karunungan upang maipaabot ang kanilang karaingan sa mga kinauukulan.
B. Gumamit sila ng gulok, at baril sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
C. Gumamit ng dahas ang mga kasapi sa pakikipaglaban.
D. Pinagsilbihan ng mga Pilipino ang mga Espanyol.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.