Ayon sa pamamahagi ni Jakobson (2003), mayroong anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. Ang unang paraan ay ang pagpapahayag ng damdamin (EMOTIVE): dito ginagamit ang pagpapahayag ng saloobin, emosyon at damdamin. Ang ikalawa ay ang panghihikayat (CONATIVE), ito ang paggamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa pamamagitan ng pakiusap at pag-utos sa ibang tao. Ang ikatlo ay ang pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (PHATIC), ito ay paraan ng isng tao upang makapagsimula ng usapan at makipag-ugnayan sa kapwa. Ang ikaapat ay ang paggamit bilang sanggunian (REFERENTIAL), dito pinapakita ang wikang nagmula sa aklat o kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon. Ang ikalima ay ang paggamit ng kuro-kuro (METALINGUAL), ito ay ang paglinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga komento. Ang ikaanim at huling paraan ay ang patalinghaga (POETIC), ito ang gamit ng wika kung saan masining ang paraan ng pagpapahayag ng sanaysay, panluan, proseso at iba pa.
Answers & Comments