Questions


September 2022 1 0 Report
7. Ano ang pinakamabuting epekto sa pagtangkilik ng mga mangangalakal at negosyante sa kaisipang Renaissance sa Italy? a. Nakilala ang mga Romano. c. Dumami ang mga manggagawa sa lugar. b. Paglago ng komersyo at negosyo. d. Nakilala ang pananampalatayang Kristiyanismo.
8. Saan nakasalalay ang pagiging sentro ng komersyo ng lungsod ng Venice sa panahan ng Renaissance na nakapagdulot ng katatagan ng pamahalaan at kadakilaan ng kulturang Venetian? a. Ang maunlad na ekonomiya nito. c. Ang matatag na hukbo ng lungsod. b. Ang magandang klima ng lungsod. d. Ang matibay na pananampalataya ng mga tao.
9. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang" o "rebirth”. Ito ay isang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng: a. pakikipamuhay sa mga tao sa lugar. b. paghahanap ng mga tala ng nakaraan. c. pakikibahagi sa mga gawain ng simbahan. d. pag-aaral ng panitikan at kultura ng nasabing sibilisasyon.
10. Ano ang pinakapangunahing dahilan ng mga Humanismo - isang kilusang intelektuwal sa panahon ng Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral? a. Para sa kaalamang kultural. c. Upang mapatatag ang kabihasaan. b. Upang maintindihan ang sining d. Upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay
11. Isa sa mga dahilan kung bakit pinaigting ang eksplorasyon ay ang paghahanap ng produkto mula sa Silangan. Ito ay ginagamit bilang pampalasa sa mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne d. spices a. mangga b. niyog c. papaya
12. Kontinente sa Silangang bahagi ng daigdig nais galugarin ng mga Kanluranin. a. Asya b. Australia c. Europe d. Oceania
13. Bansang Europeo na nanguna sa larangan ng nabigasyon? a. France b. Great Britain c. Portugal d. Spain
14. Instrumentong nakatulong nang malaki sa larangan ng nabigasyon na ginamit upang sukatin ang taas ng bituin. a. Abacus b. Astrolabe c. Compass d. Pendulum
15. Dito natagpuan ni De Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipag-kalakalan. a. China b. India c. Korea d. Mongolia​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.