Questions


September 2022 1 1 Report
7. Ang mga pook na nagsilbing tanggulan mula sa pagsalakay ng iba't ibang pangkat ay naging isang pamayanan at dito nagsimula ang mga lungsod-estado. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A. polis
B.agora
C. acropolis
D. metropolis

8. Ang mabababang lugar ay nagsilbing pamilihan. Ano ang katumbas nitong salita sa Griyego?
A. polis
B.Agora
C. acropolis
D. metropolis

9. Nakamit ng Kabihasnang Minoan ang tugatog ng kaunlaran sa ilalim ng makapangyarihang lungsod ng Knossos. Bakit biglang bumagsak ang kabihasnan pagkatapos ng 1400 BCE?
A. kinulang ang mga inaning produkto
B. bumagsak ang pandaigdigang merkado
C. sinalakay ng mga kaaway D.nag-agawan sa kapangyarihan ang mga pinuno

10. Nakaranas ang mga kabihasnan ng dark age o madilim na panahon. Alin ang pinakamasaklap na naidulot ng panahong ito sa kabuhayan nila? ng mga imprastraktura
A.matumal ang pagpipinta sa mga museum
B. natigil ang produksyon ng pagkain
C.mabagal ang pagsusulat ng mga kwento
D. nahinto ang pagtatayo ng mga imprastraktura

11. Naging malakas ang Mycenean sa iba't ibang larangan lalo na sa pagsapit nang 1400 BCE. Ano ang nagpapatunay na may kaalaman sila sa larangan ng panitikan?
A. may malalakas na mandaragat
B. mahusay ang komposisyon ng mga kwento at alamat
C. magagandang larawang nakadikit sa mga pader
D. magaling sa larangang arkitektura

12. Si Alexander the Great ay nakilala hindi lamang sa kahusayan niya bilang pinuno kundi maging sa taglay niyang talino at pinakamabisang paraan ng pakikipagdigina. Bakit sinasabing halos nasakop niya ang buong daigdig?
A. Malawak ang nasakop niyang lugar at naimpluwensiyahan ng kaisipang Greek.
B. Matiyagang nagturo ng kagandahang-asal at kagalingan sa pakikipagdigma.
C. Ibinuhos niya ang kanyang panahon sa pag-eensayo para makasakop.
D. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek mula sa kanyang pagkabata.

13. Ang kabihasnan ng Klasikong Greece ay may kakaibang heograpiya- mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog, ilang pulo sa karagatan ng Aegean, at ang karagatan ng Mediterranean. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng mga anyong tubig?
A. Lumawak ang mapagkukunan ng mga lamang dagat.
B. Magandang lagyan ng mga fish pen ang hangganan nito
C. Naging mainam na daanan ng mga manlalakbay.
D. Nadagdagan ang lugar na mapaglilibangan.

14. Maraming tao ang makikita sa acropolis. Bakit maraming tao ang nagtutungo sa nasabing lugar?
A. Marami ang nagsisimba, dumudulog sa hari, at lumalapit sa mga ahensiya ng pamahalaan.
B. Maagang namamalengke ang mga tao upang sariwa ang mga isda at gulay na mabibili.
C. Ang mga guro at mag-aaral ay masipag magturo at mag-aral sa kanilang paaralan.
D. May mga imprastraktura at tanawing kaakit-akit na naging puntahan ng mga tao.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.