Ilang oras bago ang salakay, pinaalis ang mga babae at batà. Nagbihis babae ang mga lalaki at kunwa’y pupunta sa misa. Bago mag-ikapito ng umaga ng Setyembre28, kumilos si Valeriano Abanador, hepe ng pulisya sa bayan at isa sa pasimuno ng salakay. Sinunggaban niya ang isang sundalong Americano. Kumilos ang lahat, pati ang mga detenido, at halos di-nakaputok ang nabiglang mga sundalo. Marami na ang patay bago nakapagtanggol ang natitira at naitaboy ang mga Filipino. Sa 74 tauhan ng Company C, 36 ang napatay sa labanan, kasama sina Kapitan Thomas W. Connell at Medyor Richard S. Griswold, 22 ang nasugatan, at apat ang nawawala. Nakakuha ng 100 riple at maraming amyunisyon ang mga taga-Balangiga, at 28 sa kanila ang nasawi at 22 ang sugatan.
Answers & Comments
Answer: