6. Ang bawat pamilya ay nagpapasya sa loob ng tahanan. Bilang kasapi at miyembro ng pamilya, bakit kailangan na mas maunawaan mo ang kahalagahan ng ekonomiks?

A. Dahil higit na nakatutulong ito sa pagbuo ng tamang desisyon sa loob ng tahanan. B. Dahil nagagamit ang kaalaman sa pagbibigay ng hindi makatwirang opinyon. C. Dahil nakatutulong ito sa mga usapin sa pangangailangan at kagustuhan
D. Dahil nakatutulong ito sa mg usaping pang-ekonomiko.


7. Mahalagang bahagi ng ekonomiks ang pagiging praktikal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, bakit kailangang alamin ang ambag na kahalagahan nito sa iyo bilang mag-aaral?

A. Upang mas higit na magkaroon ng abilidad na makapagtayo ng negosyo.
B. Upang makatulong ang pamahalaan sa mga tao na naapektuhan ng pandemya s pamamagitan ng tulong-pinansyal.
C. Upang higit na maging mapanuri at maging matalino sa paraan ng pagdedesiyon lalu na pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan sa buhay. D. Upang higit na maging mapanuri at mapagtanong sa paligid.


8. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay humaharap sa malaking hamon dulot ng pandemya. Marami ang nawalan ng hanapbuhay, nagsara ang ilang pagawaan, marami ang nawalan ng hanapbuhay at ang paghina ng ekonomiya ng bansa. Bilang kasapi ng pamilya at lipunan, ano ang dapat na maging hakbang ng bawat isa upang manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya sa kabila ng hamong ating kinakaharap?

A. Ipaubaya sa pamahalaan ang paglutas sa panloob at panlabas na suliranin ng bansa.
B. Makipagsapalaran sa ibang bansa upang makapaghanapbuhay.
C. Patuloy na pagtangkilik sa mga produktong atin upang makatulong sa mga lokal na industriya at mga negosyante. D. Paghingi ng ayuda sa pamahalaan para sa pagsisimula ng negosyo.


9. Ang suliranin sa kakapusan ay dahilan upang magkaroon tayo ng higit na pag-unawa sa kahalagahan sa pag-aaral ng ekonomiks. Para maiwasan ang paglala ng suliraning ito, kailangang maging matalino ang bawat tao sa paglutas ng suliraning pang-ekonomiko. Anong konsepto sa ekonomiks ang nakapaloob upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon?

A. Trade-Off, Opportunity Cost, Marginal Thinking, Choices
B. Trade-Off, Opportunity Cost, Marginal Thinking, Incentives
C. Trade-Off, Opportunity Cost, Marginal Thinking, Job Opportunity
D. Trade-Off, Theory of Consequences, Marginal Thinking, Incentives


10. Nakabatay sa pangangailangan at kagustuhan ng mga mamimili ang paggawa ng mga produkto at serbisyo. Ito ay isang paraan ng pagsasaayos ng iba't- ibang yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan at bansa. Ano ang tawag sa sistemang ito?


A. Sistema ng Alokasyon
B. Sistema Distribusyon
C. Sistemang Pang-Ekonomiya
D. Sistema ng Produksyon


11. Ang tradisyunal bilang uri ng sistemang pang-ekonomiya ay nakabatay sa kultura, paniniwala at tradisyon. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng katangiang ito?

A. Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso at kababaihang nagtatanim.
B. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kumikilos alinsunod sa kanyang personal na interes.
C. Ang bawat pamilya ay ay kalayaan makabili ng produkto batay sa salapi nito.
D. Ang mga kalalakihan ay maaaring makapamili ng kanilang nais napasukang trabaho.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.