Answer:Madaling nakuha ni de la Torre ang pagtitiwala ng mga Filipino. Nakilala siya sa kanyang liberal na pamamahala sa Pilipinas. Nakinig siya sa mga suliranin ng mga mamamayan at
nakihalubilo sa mga tao, Espanyol man o Filipino. Ipinagbawal rin niya ang paghahagupit bilang
parusa; winakasan ang pag-eespiya sa mga pahayagan; at hinikayat ang malayang pamamahayag.
Naniwala siya na pantay-pantay ang lahat ng tao. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ay
naranasan ng mga Filipino ang kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang sarili.
Subalit hindi nagtagal ang liberal na pamamahala ni de la Torre. Natapos ito ng pinalitan
siya bilang Gobernador-Heneral ni Rafael de Izquierdo matapos ang dalawang taong
panunungkulan. Si Izquierdo ang kinilala bilang isa sa pinakamalulupit na namuno sa Pilipinas.
Sa panahong ito, lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Filipino para sa pagbabago at kasarinlan.
Answers & Comments

Explanation: