Questions


September 2022 1 1 Report
4th QUARTER – WEEK6 UNANG PAGSUBOK Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung ang mga pangungusap at pahayag ay may katotohanan at Mali kung ito ay walang katotohanan. __________1. Ang bansang China ay nasakop ng bansang Englad pagkatapos ng Una at Ikalawang Digmaang Opyo. __________2. Napailalim ang ibang rehiyon sa China sa “Sphere of Influence” ng mga kanularaning bansa __________3. Si Shi Huang Ti ay naluklok na emperor ng Japan noong 1867 ay nanguna para matamo ng bansa ang modernisasyon. __________4. Isa sa pagbabagong politikal sa Japan ng matamo ang modernisasyon nito ay ang pagtanggal ng lupain sa daimyo at inilipat sa pamamahala ng Gobernador. __________5. Isa sa pagbabagong militar sa Japan ay ang ay pagpapagawa ng barkong pandigma at sandata na itinulad sa mga kanluraning nanakop sa kanila. __________6. Ang Diet ay lehislatura sa Japan na may dalawang kapulungan na nabuo sa pamamagitan ng Konstitusyon. __________7. Ang alyansa na nabuo noong ikalawang digmaang pandaigdig na piniling mapabilang ng bansang Japan ay tinawag na “Axis Power”. __________8. Ang China ang nagtaguyod ng programang “Greater East Asia Co Prosperity Sphere”na may kaisipang ang Asya ay para sa mga Asyano. __________9. Ang “Death March” ay isinagawa ng mga Hapones para maparusahan ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na kabilang sa USAFFE nang kanila itong matalo at mabihag naganap ang brutal na pagpapahirap sa mga Pilipino. __________10. Ang dalawang malaking lungsod sa Japan na Nagazaki at Hiroshima ay pinasabugan ng bomba atomika ng Esatados Unidos na nagbigay daan naman sa pagkatalo nila sa digmaan. __________11. Ang “Hangeul” ay alpabetong Koreano na ginawa ng mga iskolar ng Korea sa pag-uutos ni Haring Sejong. __________12. Ang “Hermit Kingdom” ay itinawag sa bansang Korea noong panahon na isinara nila ang bansa laban sa impluwensya ng kahit na sinong dayuhan bagamat hindi naging ganap ang pagapaptupad nito sa kanilang bansa. __________13. Noong Marso 1, taong 1919 ay naganap ang isang protesta ng mga Koreano laban sa mga Hapones at sinabing lumawak ito sa bansa at nagbunga ng pagkamatay ng mga libo libong tao sa Korea ngunit naging pasimula ng nasyonalismo sa kanilang bansa. __________14. Si Haring Gohong ay naging hari ng Korea sa idad na 13, ngunit dahil sa sya ay bata pa pansamantala itong pinamunuan ng kanyang ama na si Li Ha –eung. __________15. Ang Korea ay sumailalaim sa pamumuno ng mga Hapones at Manchu nang sila ay sakupin ng mga ito.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.