Questions


October 2022 2 9 Report
42. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may
kaugnayan sa kasangkapang bakal?
A. disiplinado B. mapagtimpi C. maramot D. matalino
43. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Egypt?
A. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Egypt.
B. Ang lupain ng Egypt ay pinaniniwalaang tahanan ng mga diyos sa buong daigdig.
C. Kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ng Egypt ay magiging isang disyerto.
D. Ang kabihasnan sa Egypt ang nangunguna at bukod-tanging kabihasnan sa buong mundo.
44. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa
ekonomiya ng bansang Egypt?
A. Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at gawing pagkain.
B. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o hindi kaya ay
subdivision.
C. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang matulungang mapalago ang
ekonomiya.
D. Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidadng pangangaso at
camping.
45. Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at hieroglyphics
ng mga taga Ehipto?
A. Ang mga sinaunang tao ay matatalino.
B. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.
C. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat.
D. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.
46. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at iba
pang uri ng istruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning.
B. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura.
C. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang.
D. Sumailalim ang lungsod na itinayo sa isang may kapangyarihang nilalang.
47. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang panahon?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao.
D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan.
48. Alin sa sumusunod na istruktura ang naitayo sa panahon ng dinastiyang Qin o Ch’in?
A. Ziggurat B. Great Wall C. Piramide D. Templo
49. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop. Ano
ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig
B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan
C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran
D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig
50. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa kapaligiran at nakatulong sa
paglinang ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Nagkaroon ng specialized labor batay sa kakayahan at kasanayan.
B. Ang mga Sumer ay gumamit ng luwad o clay-tablets sa kanilang pagsusulat.
C. Ang kabihasnang Ehipto ay nakapag-imbento ng teknolohiya para sa pagtukoy ng oras.
D. Dahil sa sobra-sobrang produksiyon ng agrikultura napaunlad ang kalakalan o
komersiyo.

Need ko po ng tamang answer please

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.