Milyon-milyon na ang mga Pilipinong sumusugal ng kanilang kapalaran upang makahanap lamang ng ilaw at pag-asa upang may maipangtustos sa pamilya. Hahamakin na ang lahat maibigay lang ang magandang kinabukasang hinahangad ng bawat pusong ang nais lang ay maayos na buhay.
Marahil ang unang papasok sa ating isipan kapag narinig ang salitang migrasyon ay ang pangingibang bansa ng mga tao upang makahanap ng magandang trabaho at malaking pasuweldo o ang pagtira ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Hindi nga naman nagkakalayo ang tumatak sa isipan ng mga Pilipino at ang kahulugan mismo ng migrasyon. Hindi lang ito pumapatungkol sa mga mamamayang nangingibang-bansa. Ang kahulugan ng MIGRASYON ay ang paglipat ng mga tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o ‘di kaya’y pangmatagalan. Maraming dahilan kung bakit ito nagaganap, dahil sa kabuhayan, tirahan, edukasyon, oportunidad, at dahil din sa mga sakunang nagaganap sa kanilang pinanggalingan.
Answers & Comments
Answer:
Ang mga migrante sa kalaunan ay nagdudulot ng mga problemang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika sa mga bansang tumatanggap, kabilang ang
1) pagtaas ng populasyon, na may masamang epekto sa mga umiiral na institusyong panlipunan;
2) pagtaas ng demand para sa mga produkto at serbisyo;
3) pagpapaalis ng mga mamamayan mula sa mga trabaho sa kanayunan at sa mga lungsod.