Questions


September 2022 1 2 Report
33. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa masidhing damdaming makabayan. Bilang isang
Pilipino, paano mo maipakikita ang pagiging makabayan sa simpleng pamamaraan?
A. laalay ang buhay alang-alang sa bayan
B. Pagiging matapat, responsable at disiplinado
C. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sarling produkto
D. Pakikilahok sa mga gawaing pagpapaunlad ng bayan
34. Si Mustafa Ataturk at Mohandas Gandhi ay ilan sa mga nasyonalistang naging tanyag
sa Timog at Kanlurang Asya na gumamit ng iba't ibang hakbang upang makamit ang
kasarinlan ng kanilang bansa. Kung ikaw ay magiging lider ng iyong bansa, anong
pinakamabisang paraan ang iyong gagawin upang makamtan ang kalayaan?
A. Patatagin ang hukbong militar ng bansa upang talunin ang mga kalaban
C. Magsasagawa ng matahimik na pakikipaglabaan gamit ang iba't ibang
estratehiyang hindi nagdudulot ng karahasan
D. Paghingi ng tulong pinansiyal sa ibang bansa para magamit sa pagbili ng
makabagong armas na gagamiting instrumento sa paglaya
35. Natamo ng mga Indian ang kalayaan noong Agosto 15, 1947 at ilang mga bansa sa
Kanlurang Asya dahil sa patuloy na pakikipaglaban at pagpapamalas ng
kabayanihan ng kanilang mga pinuno tulad nina Ibn Saud ng Saudi Arabia gayundin
ipinamalas na kagitingan sa Pilipinas. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang
iyong pagpapahalaga sa kalayaan?
A. Makilahok sa mga protesta laban sa mga pinuno
B. Sumunod sa ayos nang pagbabago na nagaganap sa loob ng bansa
C. Suportahan ang mga media na kontra sa pamamalakad ng ating pamahalaan
D. Lumahok sa mga programa at proyekto ng paaralan at barangay gamit ang
tiyaga at talino
36. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakaranas ang mga kababaihang
Pilipino ng iba't ibang uri ng diskriminasyon na nabigyang solusyon nang mabuo ang
mga kilusang pangkababaihan tulad ng MAKIBAKA, NCRFLO, AWARE at GABRIELA.
Kung ikaw ay mahihirang na pinuno ng bansa, paano mo pananatilihin ang matatag
na kalagayan ng ating kababaihan?
A. Itama ang mga pagkakamali at kasalanang nagawa ng mga kababaihang
Pilipino sa harap ng batas
B. Iwasan ang mga pangyayaring makapagbibigay ng hindi pantay na pagtingin
sa pagitan ng lalaki at babae
C. Makipag-kumpetensiya sa iba't ibang samahang pangkababaihang bumubuo
sa mga karatig bansa at sa buong mundo
D. Maglaan ng mga karagdagang serbisyo at proyekto upang maisulong ang
karapatan at mapabuti ang kalagayan ng kababaihan sa tahanan at lipunan
37. Ang Mines Act of 1952 ay itinatag sa India upang magkaroon ng hiwalay na palikurar
ang babae at lalaki gayundin ang sinusunod sa Pilipinas. Bakit mahalaga ang
pagbibigay ng maayos na palikuran sa mga kababaihan?
A. Para mapanatili ang kalinisan ng kababaihan
B. Matiyak ang kaligtasan at kalinisan ng kababaihan
C. Magkaroon ng komportableng palikuran ang mga kababaihan
D. Matugunan ang espesyal na pangangailangan ng kababaihan at
nangalanan ang kanilang kalusugan at seguridad​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.