Ang Alkalde ay nagsilbing gobernador ng isang lalawigan at puno ng hukuman ng unang dulugan noong panahon ng mga kastila. Ang salitang Alkade ay nagmula sa wikang kastilang alcade na ang kahulugan ay ang taong tinutukoy na pinuno ng isang munisipalidad o lungsod, samantalang ang salitang mayor naman ay mula sa wikang ingles na may kahulugang puno ng isang lungsod o munisipalidad. Ang namumuno bilang Alkade Mayor ay itinatalaga ng gobernador heneral ng bansa. Ang bansang Pilipinas ay hinati sa labing dalawang probinsyo at ito ay pinamumunuan ng labing dalawang alkalde mayor. Nanunungkulan sila sa loob ng tatlo hanggang anim na taon.
Tungkulin ng isang Alkade Mayor
Pangangasiwa sa pamahalaang sibil ng bawat probinsyang kanyang nasasakupan
Pagpapatupad ng hustisya sa mga taong nasasakupan
Pangongolekta ng buwis
Pagtatanggol ng alkaldiya sa pag-atake ng mga taong-labas
Sa pagtatalaga sa nasabing posisyon, kinakailangang mayroong dugo o lahing kastila ang isang tao upang mapabilang sa mga nagnanais maging alkade mayor. KInakailangan din na mayroong pinagaralan sa pagaabogasya ng hindi bababa sa dalawang taon. Bago pa matapos ang mga taon ng pananakop ng mga kastila sa Pilipinas, ginampanan din ng mga alkalde mayor ang tungkulin na pagiging huwes sa kanilang mga sariling nasasakupan. Sa panahon ng Americano nalipat ang pangalang alkalde sa pinuno ng bayan o lungsod.
Answers & Comments
Answer:

Cr: brainly.ph/question/493952