Suriin Gawain 1: Basahin at unawain mo ang tekstong ito tungkol sa kinaroroonan, lokasyon, at paghahating pangrehiyon ng Asya na makapagbibigay sa iyo ng impormasyon na higit mong kakailanganin sa pagtamo ng kaalaman, upang matutunan ang konsepto ng paghahating heograpiko ng Asya. Ang Heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego-ang geo (daigdig) at graphein (magsulat). Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa. Ang heograpiya ay maraming kinukuhang datos sa iba't ibang agham pisikai, bayolohikal, at sosyal. Ito ay nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng bawat pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook. Sa pag-unawa sa simula ang mga yamang-lupa ay nakapagbigay sa historyador ng mga kabatiran kung paano ginagamit ang mga ito. Halaw mula sa PROJECT EASE II, pahina 2 ANG KONTINENTE NG ASYA Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) at longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Ang nasasakop ng Asya ay mula sa 10 Timog hanggang 90' Hilagang latitude at mula sa 11 hanggang 175 Silangang longhitude. Pinakamalaki ang Asya kung ihahambing sa ibang kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro kuwadrado, halos katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia, at halos sangkapat (1/4) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto. Paki sagot wla kasing tanong​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.