Questions


October 2022 1 1 Report
3. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon ng pamayanan ang mga sinaunang Pilipino. Bakit hindi pabor ang mga Espanyol sa sinaunang kaayusan ng pamayanan ng mga Pilipino?

A. Hindi umano ito hugis parisukat.
B. Delikado ang kanilang kabahayan
C. Hirap silang maglakbay patungo dito
D. Mahirap makontrol ang mga katutubo kung watak watak ang kanilang tirahan.

4. Nagkaroon ng iba’t-ibang pag-aalsa ang mga katutubong Pilipino laban sa mga Espanyol. Bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsang ito?

A. Hindi marunong lumaban ang mga Pilipino.
B. Kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
C. Walang naglakas-loob na lumaban sa mga Espanyol.
D. Tinanggap ng lahat ng mga katutubong Pilipino ang pakikipagkasundo ng mga Espanyol.

5. Sa ilalim ng reduccion, pinagsama sama nila ang mga katutubo sa pueblo. Bakit mas madaling maipatupad ang kolonyalismo sa ganitong sistema?

A. Makukuha nila ang lahat ng naiwang kayamanan sa dating tirahan.
B. Hindi na mahihirapan maglakbay ang mga Espanyol sa iba’t -ibang pulo.
C. Mabilis matukoy ang mga dating pinuno ng pamayanan upang sila ay parusahan.
D. Mas magiging madali ang pagbabantay sa mga katutubo at masusubaybayan ng mga Espanyol.

6.Patuloy na naging maimpluwensiya ang Kristiyanismo sa buhay ng mga Pilipino. Alin sa sumusunod na mga paniniwala o tradisyon ang nanatili pa rin sa kasalukuyan?

A. Ipinagdiriwang ang kapistahan bilang parangal sa mga patron sa lugar.
B. Patuloy na naghihirap ang mga taong hindi nabinyagan sa Kristiyanismo.
C. Ang mga tao ay walang kalayaang ipahayag ang kanilang mga paniniwala.
D. Ang mga paring Espanyol ang may hawak ng mataas na posisyon sa simbahan.

7. Bagamat mayroon ng sariling relihiyon o paniniwala ang mga sinaunang Pilipino ay tinanggap nila ang relihiyong Kristiyanismo. Bakit naging madali sa maraming katutubo na tanggapin ang Kristiyanismo bilang bagong relihiyon?
A. Naging marahas ang mga misyonero sa pagpapalaganap ng bagong relihiyon
B. Ibinilanggo ng mga Espanyol ang mga katutubong tumanggi sa Kristiyanismo
C. Winakasan ng mga misyonero ang papel ng kababaihan sa pangunguna sa mga ritwal ng simbahan.
D. Pinili ng mga prayle na ipagpatuloy ang katutubong tradisyon at iniangkop ang mga ito sa paniniwalang Kristiyanismo.

8. May mahalagang bahaging ginampanan ang simbahan para maipatupad ang kolonyalismo. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatotoo sa pahayag na ito?
A. Ang simbahan ang nagsilbing pangunahing institusyong pang-ekonomiya sa bansa.
B.Ang simbahan ang pinagmumulan ng lahat ng mga batas na ipinapatupad sa bansa.
C. Ang simbahan ang inatasang magpatupad ng batas sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
D. Ginamit ng mga Espanyol ang simbahan upang maipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa.

9. Maraming mga pagbabago sa mga paniniwala ang ipinatupad ng mga prayle. Ano ang maituturing nating pinakamahalagang kontribusyon nila sa paghubog ng ating kabihasnan?
A. Edukasyon
B. Demokrasya
C. Kristiyanismo
D. Paganismo

10. Sa pagdating ng mga prayle at pagpapalaganap ng Kristiyanismo, mga prayle at kalalakihan ang may karapatang humawak sa larangan ng espiritwal. Ano ang naging epekto nito sa mga kababaihan sa lipunan?
A. Ang iba ay pumasok bilang cabeza de barangay
B. Ilan sa kababaihan ay nagpunta sa Spain upang doon mag aral.
C. Naghudyat ito sa pagbaba ng katayuan ng kababaihan sa lipunan.
D. Ang iba ay pinayagang maging lider pero sa mas mababang pwesto sa simbahan.

need serious answers no joke pls

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.