Questions


September 2022 1 4 Report
25. Bago dumating ang mga Espanyol ay walang pormal na edukasyon ang mga
sinaunang Pilipino. Ang kanilang mga magulang o mga nakatatanda ang
nagsilbing mga guro. Sa pagdating ng mga Espanyol nagkaroon ng pagbabago
sa edukasyon. Sino ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon na pinairal sa
Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol?
A. babaylan B. encomiendero C. prayle D. sundalo
26. Sa panahon ng kolonyalismo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa
katayuan ng kababaihan. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalahad ng
katayuan ng kababaihan sa panahong kolonyal?
A. Bumaba ang katayuan ng kababaihan sa lipunang kolonyal
B. Mas mataas ang pagtingin ng kababaihan sa panahon ng Espanyol
C. Pantay ang katayuan ng kababaihan at kalalakihan sa panahong kolonyal
D. Walang pagkakaiba ang katayuan ng kababaihan sa sinaunang lipunan at
sa lipunang kolonyal
27. Ano ang naging pagtugon ng mga Pilipino na ayaw manirahan sa pueblo,
magpabinyag sa bagong relihiyon, magbayad ng buwis, at gustong ipagpatuloy
ang katutubong paniniwala?
A. Binayaran ang mga Espanyol C. Nagpasakop sa mga Ingles
B. Humingi ng tulong sa mga Tsino D. Umakyat sa kabundukan
28.Ang mga Muslim sa Mindanao ay naglungsad ng anim na Digmaang Moro.
Sino ang sultan na namuno sa kauna-unahang jihad o banal na digmaan laban
sa mga Espanyol?
A. Hermano Pule B. Kudarat C. Diego Silang D. Juan Sumuroy
29. Bakit maraming katutubong Pilipino ang tumanggap ng Kristiyanismo na
ipinalaganap ng mga Espanyol?
A. Walang paniniwala ang mga katutubong Pilipino
B. Binayaran sila ng mga Espanyol ang mga Pilipino
C. Ginawang katanggap-tanggap ng mga prayle ang bagong relihiyon sa
pamamagitan ng tila pagpapatuloy ng mga sinaunang paniniwala at tradisyon
ng mga katutubo
D. Tinuruan sila ng mga Espanyol na maniwala sa mga espiritu, at mag-alay sa
mga diyos at diyosan sa pamamagitan ng mga rituwal bilang pasasalamat sa
mga ito


30. Ang sistemang encomienda ay ang unang patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Ano ang naging pagtugon ng mga Pilipino sa sistemang
encomienda na ipinatupad ng mga Espanyol?
A. Nagpasalamat sila sa mga encomendero
B. Natalo nila ang mga encomendero sa rebolusyon.
C, Hinayaan nila ang mga pang-aabuso ng mga encomendero.
D. Isinumbong nila ang pang-aabuso ng mga encomendero sa mga prayle.
31. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?
A. Mahilig manigarilyo ang mga Espanyol
B. Mataas ang pangangailangan ng tabako sa kalakalan
C. Mahilig magtanim ng tabako at gulay ang mga Ilocano
D. Maging sikat ang tabako sa atin at sa ibang bansa
32. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa monopolyo ng tabako?
A. Nagustuhan ng Pilipino ang patakarang ito
B. Maraming mga Pilipino ang nakilahok dito
C. Nag-aklas ang mga magsasakang Pilipino
D. Sumunod na lamang ang maraming Pilipino sa patakaran
33. Siya ang namuno sa pag-aalsa laban sa kastila dahil sa pagtutol ng mga
Bisaya mula sa Samar sa paglilipat sa kanila sa Cavite.
A. Dagohoy C. Magat Salamat
B. Lakandula D. Sumuroy
34. Bakit hindi umunlad ang sektor ng agrikultura ng Pilipinas sa panahon ng
mga Espanyol?
A. Laganap ang sapilitang paggawa.
B. Kulang sa kaalaman sa pagsasaka.
C. Naging sentro ng buhay ang Kristyanismo.
D. Walang gamit pansaka na Kagamitin noon
35. Alin ang mabuting idinulot ng digmaang Espanyol at Ingles sa Maynila?
A. Namulat ang mga Filipino na maaaring talunin ang Espanyol sa labanan
B. Sinakop ang Pilipinas ng mga Ingles sa tulong ng mga kastilang sundalo
C. Pumasok ang kulturang Ingles ng sakupin ang Pilipinas at lumaganap ito
D. Nagkaroon ng mga makabagong armas na gagamitin sa digmaan ang mga
katutubong Pilipino.
36. Tahimik na namumuhay sa isang Isla sa Pilipinas ang pamilya ni Rigor.Sa
kanyang pamamasyal ay may nakita siyang kahina-hinalang sasakyang
pandagat mula sa ibang bansa na palibot-plibot sa tabing dagat.Ano sa palagay
ninyo ang tamang gawin ni Rigor?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.