Questions


January 2022 1 34 Report
21. Paano isinaayos ang pamayanan sa sistemang reduccion?
A.Pinaghiwa-hiwalay ang tirahan ng mga katutubong Pilipino.
B.Pinanatili ang tirahan ng mga  Pilipino sa kabundukan at tabing-ilog.
C.Sapilitang paglipat ng tirahan ng mga  Pilipino sa bagong pamayanan.
D.Tanging mga Espanyol lamang ang maaaring manirahan
  sa bagong pamayanan.
22. Sa pagpapatupad ng sistemang reduccion, ang mga pamayanan ay isinaayos batay sa modelo ng isang lungsod sa Spain. Ano ang tawag sa bagong itinayong pamayanan ng mga Espanyol sa Pilipinas?
A.kapitolyo             C. kolonya                C. probinsya               D. pueblo
23.Malaki ang naging impluwensya ng mga Espanyol sa kultura ng mga Pilipino. Ang mga sumusunod ay mga impluwensya ng mga Espanyol sa atin maliban sa isa. Ano ito?
 A. Apelyedong Fernandez, Santiago at Gutierrez
 B. Pagkain ng pansit, siopao at lumpia
  C. Pagsayaw ng cariñosa, rigodon, mazurka at surtido
  D. Pagdiriwang ng piyesta ng mga santo, mahal na araw at pasko
24.Ano ang mga unang paaralang itinayo sa Pilipinas ng mga Espanyol?
 A. bokasyonal        B. pamantasan     C. pamparokya        D. pampubliko
25. Bago dumating ang mga Espanyol ay walang pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino.  Ang kanilang mga magulang o mga nakatatanda ang nagsilbing mga guro. Sa pagdating ng mga Espanyol nagkaroon ng pagbabago sa edukasyon. Sino ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon na pinairal sa Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol?
 A. babaylan B. encomiendero          C. prayle             D. sundalo
26.   Sa panahon ng kolonyalismo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa katayuan ng kababaihan. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalahad ng katayuan ng kababaihan sa panahong kolonyal?
 A. Bumaba ang katayuan ng kababaihan sa lipunang kolonyal
 B. Mas mataas ang pagtingin ng kababaihan sa panahon ng Espanyol
 C. Pantay ang katayuan ng kababaihan at kalalakihan sa panahong kolonyal
 D. Walang pagkakaiba ang katayuan ng kababaihan sa sinaunang lipunan at sa lipunang kolonyal
27. Ano ang naging pagtugon ng mga Pilipino na ayaw manirahan sa pueblo, magpabinyag sa bagong relihiyon, magbayad ng buwis, at gustong ipagpatuloy ang katutubong paniniwala?
A.  Binayaran ang mga Espanyol      C. Nagpasakop sa mga Ingles
B.  Humingi ng tulong sa mga Tsino              D. Umakyat sa kabundukan
 
28.Ang mga Muslim sa Mindanao ay naglungsad ng anim na Digmaang Moro. Sino ang sultan na namuno sa kauna-unahang jihad o banal na digmaan laban sa mga Espanyol?
A. Hermano Pule              B. Kudarat       C. Diego Silang            D. Juan Sumuroy
29. Bakit maraming katutubong Pilipino ang tumanggap ng Kristiyanismo na ipinalaganap ng mga Espanyol?
A. Walang paniniwala ang mga katutubong Pilipino
B. Binayaran sila ng mga Espanyol ang  mga Pilipino
C. Ginawang katanggap-tanggap ng mga prayle ang bagong relihiyon sa pamamagitan ng tila pagpapatuloy ng mga sinaunang paniniwala at tradisyon ng mga katutubo
D. Tinuruan sila ng mga Espanyol na maniwala sa mga espiritu, at mag-alay sa mga diyos at diyosan sa pamamagitan ng mga rituwal bilang pasasalamat sa mga ito
 
30. Ang sistemang encomienda ay ang unang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ano ang naging pagtugon ng mga Pilipino sa sistemang encomienda na ipinatupad ng mga Espanyol?
A. Nagpasalamat sila sa mga encomendero
B. Natalo nila ang mga encomendero sa rebolusyon.
C, Hinayaan nila ang mga pang-aabuso ng mga encomendero.
D. Isinumbong nila ang pang-aabuso ng mga encomendero sa mga prayle.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.