21. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan ng pagsilang ng Pasismo sa Italy? A. Malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo sa Europa. B. Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig. C. Walang kakayahan ang mga pinuno na lutasin ang mga suliranin sa pamahalaan D. Paghihirap ng kabuhayan tulad ng kakulangan ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan. 22. Ang sumusunod ay mga prinsipyong pinaniniwalaan ng komunismo MALIBAN sa isa. Ano ito? A pagwawaksi sa kapitalismo B. lubos na paghihiwalay ng simbahan at estado C. pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong negosyo D. pangangasiwa ng pamahalaan sa sistema ng produksiyon at distribusyon ng pag-aari 23. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng neokolonyalismo? A. kawalan ng karangalan B. patuloy na pang-aalipin C. labis na pagdepende sa iba D. pag-igting ng di-pagkakaunawaang pampulitika, pangmilitar, at kalakalan ng mga bansa 24. Ang sumusunod ay mga mabuting epekto ng Cold War MALIBAN sa isa. Alin ito? A. naitatag ang International Monetary Fund (IMF) B. nabuo ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) C. inayos ang International Bank for Rehabilitation and Reconstruction o World Bank (WB) D. maraming imbensiyon ang naisagawa ng bansang United States of America (USA) at Union of Soviet Socialist Republics (USSR) 25. Ikaw ay mahilig manood ng K-drama at kumanta ng K-Pop Song. Anong pamamaraan ng neokolonyalismo ang nakaimpluwensya sa iyo? A. pangkultura C. lihim na pagkilos B. dayuhang tulong D. dayuhang pautang 26. Nang sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, pinamahalaan nila ang bansa. Tinuruan nila ang mga Pilipino ng karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng hakbanging pangangalaga sa karapatan ng mga mamamayan. Ano ang naging epekto nito sa kabuuang aspeto ng pagka- Pilipino? A. Nakalimot ang mga Pilipino sa dating kaugalian at tradisyon. B. Nagkaroon ng negatibong pananaw ang karamihan sa mga Pilipino. C. Naging lubusang nakasalalay ang pamumuhay ng mga Pilipino sa mga Amerikano. D. Nagkaroon ang mga Pilipino ng positibong pananaw sa buhay at malayang pamamahala sa bansa. 27. Aling pagpapahalaga ang isinaalang-alang ng samahang ASEAN sa paglutas ng suliranin ng mga bansang kasapi? A. pagbibigay ng pabor sa mga kaibigang bansa B. pagpapakita ng disiplina sa naglalabang bansa C. paggamit ng konsultasyon, consensus, at negosasyon D. pagtuon ng pansin sa pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga bansa​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.