Ang Pamahalaang Komonwelt ay naipatupad sa ilalim ng mga dayuhang Amerikano. Ang pamahalaan ay pinangunahan ni Manuel L. Quezon bilang Presidente. Si Sergio Osmena, Sr. naman ay ang Bise Presidente ni Manuel L. Quezon. Sa ilalim ng kanilang pamumuno, gumawa sila ng mga hakbang para sa paglutas ng mga suliraning panlipunan at pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt. Narito ang ilan sa mga ito.
Nagtayo ng mga kagawaran ang Pamahalaang Komonwelt upang makatulong sa paglutas ng mga suliraning pangkabuhayan at pati na rin ng suliraning panlipunan sa panahon ng Komonwelt. Kabilang sa mga ito ay ang "Kagawaran ng Pambansang Tanggulan, Katarungan, Pananalapi at Paggawa," "Kawanihan ng Kagalingang Pangmadla" o "Bureau of Public Welfare" at "Pambansang Pangasiwaan sa Pagtulong sa mga Nasalanta" o "National Relief Administration" na tumutulong sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Bukod dito, mayroon ding mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan. Kabilang sa mga ito ay ang pagtatayo ng "Court of Industrial Relations" na tumitiyak na may magandang samahan ang mga emplayado sa kanilang mga "employers".
Bukid pa rito, nagtakda rin ng minimum wage ang Pamahalaang Komonwelt para sa mga manggagawa upang masigurado na hindi "underpaid" o mababa ang pasweldo sa mga manggagawa.
Nagpatupad din ng "Eight-Hour Labor Act" upang masigurado na hindi "overworked" o sobra sobra ang pinapagawa ng mga "employer" sa kanilang mga manggagawa.
Iyan ang ilan sa mga paraan upang malutasan ng Pamahalaang Komonwelt ang mga suliraning panlipunan at pangkabuhayan noong panahon ng Komonwelt.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
sana makatulong!