Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng mga batas para sa kanyang nasasakupan. Sila ang gumagabay sa estado at mga namumuno. Mahalaga sa mamamayan ang pamahalaan dahil pinaiiral nito ang kapayapaan at kaayusan ng bansa at kaligtasan ng mamamayan, nagbibigay ng edukasyon para sa lahat, nagpapatayo ng mga ospital, health centers, pagkakaroon ng mga programang pangkalusugan, at sa maikling salita ay sila ang gumagawa ng paraan para maibigay ang mga pangangailangan ng mga tao para mabuhay nang payapa, maayos, at makamit ang maunlad na pamumuhay sa iba't ibang paraan.
Dalawang Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas:
Demokratiko
Ang Demokratikong pamahalaan ay tumutukoy sa isang uri ng pamahalaan nahango sa salitang "Demokratos" na nangangahulugan ng pamamahala ng mga tao, sa pamamagitan ng mga tao at para sa mga tao at nasa mamamayan ang kapangyarihan. Ang Demokratikong Pamahalaan ay itinuturing na Tuwiran at Di-tuwiran. Ang Tuwirang Demokrasya ay pinamamahalaan ng mga tao ang sarili nila sa pamamagitan ng mga pagpupulong kung saan pinag- uusapan nila ang mga suliranin at mga solusyong dapat isagawa habang sa Di-tuwirang Demokrasya naman, ang mga namumuno ay inihahalal ng mga kwalipikadong manghahalal. Karamihan sa mga bansang demokratiko ay di- tuwiran dahil sa lawak ng teritoryo at dami ng populasyon.
Monarkiya
Ang Monarkiya ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng isang hari o reyna, emperador, o czar. Ang pamahalaang monarkiya ay may dalawang uri. Ito ay ang Ganap na Monarkiya at Natatakdang Monarkiya. Sa ganap na monarkiya, ang lahat ng kapangyarihan ay nasa iisang namumuno lamang habang sa nakatakdang monarkiya, ang kapangyarihan ng isang namumuno ay isinasaayos ng isang konstitusyon.
Answers & Comments
QUESTION:
ANSWER:

#CARRYONLEARNING
Answer:
pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato