2. May dalawang aspektong pinagbatayan ang pinagmulan ng unang tao ang bayolohikalmat kultural. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng eblousyong bayolohikal?
A. Ang mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang tao ay ang pinagbatayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
B. Ang pagbabago sa pisikal ng tao tulad ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan ay siyang ginamit na batayan sa pag-unlad. C. Ang anumang kasangkapang ginamit ng mga tao na naging batayan sa pag-unlad.
D. Ang mga artifacts na siyang ginamit sa pag-aaral ng mga pangunahing ebidensya tungkol sa ebolusyon ng tao.
Answers & Comments
B. Ang pagbabago sa pisikal ng tao tulad ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan ay siyang ginamit na batayan sa pag-unlad.
Ang ebolusyon sa mga organismo ay nangyayari sa pamamagitan ng mga pagbabago sa mga katangiang mamamana. Halimbawa, sa mga tao, ang kulay ng mata ay isang namamanang katangian at ang isang indibidwal ay makapagmamana ng katangiang kulay kayumangging mata mula sa isa nitong magulang.
Ang Ebolusyon ay ang pagbabago sa mga namamanang katangian ng mga populasyon ng organismo sa loob ng mga sunod sunod na henerasyon sa paglipas ng mahabang panahon. Ang ebolusyon ang paliwanag na tinatanggap sa agham ng paglitaw ng mga magkakaiba ngunit magkakaugnay na mga anyo ng buhay sa mundo.
#CarryOnLearning