Ang pananakop ng mga Ingles sa India, ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo dito. May ibat- iba mang wika at relihiyon ang mga Indian ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa. Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India, ang nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.
Pinakinabangan ng husto ng mga Ingles bilang among kolonyal ng India, ang mga likas na yaman nito. Dahil din sa pananakop ay naranasan din ng mga Indian ang mga patakarang para sa kanilang kultura ay di angkop . Tulad na lamang ng pagpapatigil ng mga Ingles sa Suttee o sati. Ipinatigil din ng mga Ingles ang female infanticide. Naging dahilan din ng paglaban ng mga Indian sa mga Ingles ang di- pantay na pagtingin sa kanilang lahi. Ito ang naging dahilan upang maisagawa ang Pag-aalsa ng mga Sepoy. Minsang naipatupad ng mga Ingles ang di pantay na pagtrato sa mga sundalong Indian malimit ay mataas na ranggo at suweldo ang ibinibigay sa mga sundalong Ingles kaysa sa mga sundalong Indian na nasa mababang posisyon at suweldo. Tumutol din ang mga sundalong Indian,Hindu at Muslim sa pagpapagamit sa kanila ng langis na pinaghihinalaang nagmula sa langis ng hayop para sa paglilinis ng kanilang mga riple at cartridge. Mas tumindi pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian nang maganap ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919.
Answers & Comments
Answer: