Questions


September 2022 1 1 Report
1.
Isulat sa patlang ang letrang T kung tama ang isinasaad sa mga sumusunod na pangungusap at
letrang M, kung mali ang isinasaad.
1. Bawat isang pangulo ay naglunsad ng programa para sa ikasusulong ng ekonomiya ng bansa sa
panahon ng Ikatlong Republika.
2. Pinagtibay ng kongreso ang batas sa Retail Trade kung saan ang mga korporasyon o samahang
ganap na Pilipino lamang ang makakapangalakal ng tingian.
3. Sa huling bahagi ng dekada 60, ang Pilipinas ay pumapangalawa na sa bansang Hapon sa
pangkaunlarang kalagayan ng ekonomiya.
4. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang may programa na Filipino First Policy.
5. Pinagtibay ni Pang. Elpidio Quirino ang Land Tenure Reform Law kung saan sa pamamagitan
nito ay itinadhana ang paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang
maipamahagi ng hulugan sa mga kasama.
6. Dahil sa dayaan na naganap sa Snap Election noong ika-7 ng Pebrero 1986, hinikayat ni Cory
Aquino ang mga mamamayang Pilipino na magprotesta upang paalisin ang rehimeng Marcos.
7. Ang People Power ay nagsimula nang si Juan Ponce Enrile, Ministro ng Tanggulang Pambansa
at si Hen. Fidel V. Ramos ang Vice Chief of Staff ng Sandatahan Lakas ay tumiwalag sa
administrasyong Marcos
8. Noong Ika-12 ng Hunyo 1898, kinilala ng Estados Unidos ang Pilipinas bilang isang ganap na
estado
9. Ang pakikpagkapwa sa ibang bansa ay mabisang paraan na pagtatanggol sa bansa sa
pamamagitan ng pakikipagpulong at pagsanib sa mga samahang Asyano upang mapanatili ang
ating panlabas na ugnayan.
10. Ang pamahalaan at mamamayan ay may tungkulin at pananagutan na pahalagahan at
ipagtanggol ang ating teritoryo sa pambansang interes.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.