Questions


October 2022 1 1 Report
1.Alin sa mga sumusunod ang pinag-aaralan sa makroekonomiks (macroeconomics)?
A.Paggalaw ng presyo
B.Kabuuang ekonomiya
C. Pagbabago sa suplay
D. Sektor ng industriya
2.Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya? *
A.Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B.Kita at gastusin ng pamahalaan
C.Kalakalan sa loob at labas ng bansa
D.Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
3.Sa paikot na daloy ng ekonomiya, paano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal? *
A.Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na ginagamit ng bahay-kalakal.
B.Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
C.Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D.Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
4.Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa? *
A.Upang maging sikat ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pinansiyal.
B.Upang makabuo ng mga patakarang magpapabuti sa ekonomiya ng bansa.
C.Upang makakuha ng malaking boto sa eleksiyon ang mga namumuno sa pamahalaan.
D.Upang makilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
5.Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng mga patakarang pang-ekonomiya (economic policies)? *
A.Mapataas ang antas ng produksyon
B.Mapatatag ang sistemang politikal
C. Mapatatag ang presyo ng bilihin
D. Mapataas ang bilang ng may trabaho sa bansa
6.Alin sa mga sumusunod ang katangian ng sambahayan? *
A.Bumibili ng kalakal at serbisyo
B.Nagbabayad sa bahay-kalakal
C. May-ari ng mga salik ng produksyon
D. Lahat ng nabanggit
7.Alin sa mga sumusunod ang sakop ng pambansang ekonomiya? *
A.Kita ng tindahan ni Aling Nena.
B.Dami ng ibinibentang saging sa palengke ng Santa Ines.
C.Dami ng bigas na inaangkat ng Pilipinas.
D.Pagbaba ng presyo ng langis sa Gitnang Silangan.
8.Nais magdagdag ng produksyon ang pabrika ni Ms.Tysa kaya umutang siya sa bangko. Ano ang tawag sa pondong inutang ni Ms.Tysa sa bangko. *
A.Salary Loan
B. Investment Loan
C. Interest Rate
D. Real Property Tax
9.Ang pamahalaan ay nagkakaloob ng mga produkto at serbisyong pampubliko. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito? *
A.Sahod sa mga manggagawa
B.Iskolarship sa mga mahihirap na mag-aaral
C.Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
D.Pangangampanya sa eleksyon
10.Malaki ang papel ng pondo sa pambansang ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gamit ng pondo sa pagpapaunlad ng pambansang ekonomiya? *
A.Pambayad sa mga salik ng produksyon
B.Pambili ng karagdagang kapital
C.Pampagawa ng mga kalsada at tulay.
D.Pang-abuloy sa mga namatayan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.