Questions


October 2022 1 2 Report
1.Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga pangunahing Base Militar ng Amerika sa Pilipinas? *

A. Camp John Hay sa Baguio.

B. Clark Air Field sa Angeles, Pampanga.

C. Subic Naval Base sa Olonggapo, Zambales

D. Lahat ng nabanggit
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~`2.Ang JUSMAG o Joint US Military Advisory Group ay kabilang sa Military Asistance Agreement o tulong militar sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Ano ang magandang naidulot nito sa mga sundalong Pilipino? *

A. Nabigyan ng pabahay ang mga sundalong Pilipino.

B. Binigyan ng matataas na puwesto ang mga sundalong Pilipino

C. Nabigyan ng mga bagong uniporme ang mga sundalong Pilipino

D. Natuto ng mga bagong kasanayan at kaalaman ang mga sundalong Pilipino
====================================
3.Agosto 5,1946 ng niratipikahan ng Pilipinas ang Treaty of General Relations sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga nakatadhan dito? *

A. Pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas

B. Magiging alipin ng Amerika ang Pilipinas.

C. Magiging kabisera ng Amerika ang Pilipinas

D. Pagwakas ng pamumuno ng Amerika at pagkilala sa ganap na kalayaan ng Pilipinas
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
4.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Suliraning Pangkabuhayan na kinaharap ng mga Pilipino matapos ang digmaan? I. Lumago ang kabuhayan ng mga Pilipino II. Mahina ang kalakalan sa loob at labas ng bansa III. Maraming nasirang bahay, pataniman at paggawaan. IV. Maraming pumasok na dayuhang mamumuhunan sa bansa *

A. I at IV

B. II at III

C. I at II

D. III at IV
________________________________
5.Philippine Trade Act o Bell Trade Act ang tawag sa batas na ipinatupad sa bansa para sa ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at Estados Unidos. Paano nakatulong sa bansa ang Bell Trade Act?

A. Walang ipinapataw na buwis sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos.

B. Hindi kailanman maaaring mag-angkat at magluwas ang Pilipinas ng produkto sa Estados Unidos.

C. Malayang nakapagluluwas ng mga produkto ang mga Amerikano sa bansa pero ang mga Pilipino ay may kota o dami lamang ang mga produktong maaaring iluwas sa Estados Unidos.

D. Nabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at Amerikano sa panlinang ng likas na yaman sa bansa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
6.Ito ang tawag sa pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano sa mga korporasyon, pagbungkal o paglinang ng likas na kayamanan ng Pilipinas ganoon din sa pag-mamay-ari at sistema ng komunikasyon at Transportasyon sa Pilipinas. Ano ito? *

A. Parity Rights

B. Rehabilitation Act

C. Treaty of General Relations

D. Military Asistance Agreemen
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
7.Bakit may mga Pilipinong hindi sumang-ayon sa Parity Rights? *

A. Dahil galit sila sa mga Amerikano

B. Dahil naiinggit sila sa mga Amerikano.

C. Dahil higit na nakinabang ang mga Amerikano kaysa sa mga Pilipino sa paglinang ng
likas na yaman ng bansa.

C. Lahat ng nabanggit ay tama
====================================
8.Alin ang di-mabuting epekto ng parity rights sa mga Pilipino? *

A. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipinong magsasaka

B. Nakilala ang mga produktong agrikultural sa ibang bansa.

C. Higit na tinangkilik ng mga Pilipino ang produkto ng Estados Unidos.

D. Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas at Estados Unidos.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.