Questions


September 2022 1 1 Report
14. Paano magiging ligtas ang pamayanan mula sa sakuna o kalamidad? A. Pagtutok saulat panahon ng PAGASA. B. Pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS. C. Pakikinig at panunuod sa Social Media
D. Mahusay na plano ng Disaster Management.

15. Alin ang tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang epekto ng isang sakuna at kalamidad?
A. Disaster
B. Vulnerability
C. Resilience
D. Hazard

16. Ang pamilyang Cruz ay isa sa mga nakaligtas sa likas na pinsala na dulot ng isang napakalakas na lindol na tumama sa kanyang pamayanan na nagdulot ng panganib at pinsala sa lipunan at kalikasan. Ano yan?
A. Disaster
B. Vulnerability
C. Resilience
D. Hazard

17. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad?
I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar II. Pakikinig sa radyo o panonood ng tv upang malaman ang pinakahuling balita
III. Hindi pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad
A. I, II, III
B. I, II
C. I,III
D. II, III

18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang kumakatawan sa isang pinakamahusay na diskarte sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan (DRRM)?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba't ibang kalamidad.

19. Sina Dexter, Jefferson, Angelito at Emmanuel ay nagtungo sa Pamahalaang Barangay at naglibot sa kanilang pamayanan upang maitala ang mga kalamidad at banta na nararanasan natin sa nakaraang limang taon. Ang ginawa nila ay isang halimbawa ng
A. Hazard Assessment
B. Capacity Assessment
C. Vulnerability Assessment
D. Disaster Assessment​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.